53

3.6K 154 40
                                    

D

"Deanna, nasaan ka na? Bat iniwan mo yung project dun?"

"Kim, please wait lang.. Kahit 1 week lang.. Please.. Kakausapin ko lang si Jema.."

"Ano na naman bang nangyari?"

"Mahabang kwento, Kim.."

"Bumalik ka ng Cebu, Deanna.. Walang project engineer dun.."

"1 week nga, Kim please. Babalik ako dun.."

"Sige nga, Deanna pano gagalaw yung construction dun ng wala ka? Gusto mo bang matengga yun dun ng 1 week? Tapos satin kukunin yung cost of delay? Bumalik ka na dun ngayon!" nagtaas na siya ng boses sa kabilang linya.

Shit! Pati kaibigan ko galit na sakin. Di ko na alam gagawin ko.. Gusto ko na lang ibato tong phone ko! Gusto ko na lang mawala!

"Babalik ako after 1 week, Kim.. Sige na.."

"Pag di ka bumalik bukas sa Cebu kalimutan mo ng may project ka dun.. Know your priorities, Deanna.. Sige na.. Bye.." binaba na niya yung tawag..

"Arrrrggghhhhh! Tang ina!"

Napaupo na lang ako dito sa lapag, sa kwarto ko...

Pinuntahan ko kagabi si Jema sa hospital. Inamin ko lahat kahit ang hirap hirap. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo.

Pero wala akong nakuhang malinaw na sagot kay Jema.

Alam kong galit siya sakin. Nasaktan ko siya..

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Know my priorities? Pareho lang ng sinabi si dad at Kim sakin.

Ayokong mawala si Jema sakin. Ayoko din mawala yung pinaghirapan kong career..

Kailangan ko ng bumalik ng Cebu.. Tama naman si Kim, di gagalaw ang trabaho dun pag wala ako.

Baka kung ano ano pang mangyari dun, ako pa naman yung project engineer..

Kakausapin ko ulit si Jema..
.
.
.
.
.
"Deanna, anong ginagawa mo dito?"

Pinuntahan ko si Jema dito sa office niya sa hospital. Si Jia na ang kinausap ko. Alam kong di ako kakausapin ni Mafe.

"Pwede ba tayo mag usap, Jema? Please.."

"Anong pag uusapan natin? May patient pa ko ng 1pm. I have 20 mins left.."

"Jema, babalik na ko ng Cebu bukas.."

"Yan lang pinunta mo dito, Deanna? Sana tinext mo na lang ako.. Nagpapaalam ka ba o ano?"

"I know I hurt you, Jema. At yung ginawa ko alam kong mahirap yun patawarin. Pero sana, Jema bigyan mo ko ng isa pang chance. Inaamin ko namang nagkamali ako eh. Pero never kong sinadya na saktan ka. Alam mo kung gaano kita kamahal simula pa nung una, Jema.."

"Tapusin mo na yung project mo dun, Deanna. Wag mong iiwan yung commitment mo sa isang bagay."

"I'm sorry, Jema.. Hihintayin kong mapatawad mo ko. Totoo lahat ng sinabi ko, Jema.. Hindi ko sinasadya lahat. Kahit tanungin mo pa yung mga kasama ko.."

"No need, Deanna.. Okay na sakin na inamin mo lahat.. Sige na, bababa na ko.. Ingat ka.."

Tumayo na siya sa upuan niya.. At saka lumapit sakin.. Tumayo na din ako..

Niyakap niya ko..

Napaiyak na lang ako.. Alam kong kasalanan ko lahat to..

"Jema, I'm sorryyyy... Mahal na mahal kitaaaa.." napayakap na lang ako ng mahigpit sa kanya..

"Ssshhhh, Deanna.. Tama na. Wag ka na mag sorry.. We need this time to be apart again. Para mapatawad mo sarili mo, at para mapatawad din kita.. I'm sorry, Deanna.."

"I love you, Jema! I love you! Di ko ata kaya, Jema.."

"Kayanin mo, Deanna... Nakaya mo nga dati eh. Kaya natin ulit to.. Basta mag iingat ka lagi..."

Wala na kong nasagot pa.. Umiyak na lang ako ng umiyak. Ang sakit sakit. Mawawala na naman sakin si Jema..

Ayoko siya pilitin na ayusin agad to. Some things take time to be fixed.

Pag alis ko ng Makati Med dumaan na din ako sa office namin at kinausap si Kim.

Madaming sermon ang inabot ko sa kanya pero syempre kaibigan ko pa din siya, inintindi na lang niya ko. 

Nagpa book na din agad ako sa secretary namin sa office ng flight ko pa Cebu bukas. Pinaka umaga ang pinili ko.. Didiretso na ko ng site pag dating bukas..

Closing TimeWhere stories live. Discover now