51

3.7K 148 43
                                    

D

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko.. Nakatulog ako na kung ano ano ang nasa isip ko.

Gulong gulo ako.. Hindi ko alam ang gagawin ko..

Pinilit ko ng bumangon at tumayo.. Gusto ko ng umuwi kina mommy.. I need to talk to dad..

Nahihilo pa din ako.. Hinahanap ko ang phone ko pero di ko makita. Nasaan na ba yun?

Tang ina! Wala akong maalala talaga kagabi. Nagising na lang ako si Mich pala ang kasama ko dito.

Tang ina talaga Deanna! Ano na namang ginawa mo!

Para akong diring diri at sukang suka sa sarili ko!

"Ahhhhhhh! Tang ina!!! Ang gago ko! Anong ginawa ko na naman!" pinagsusuntok ko yung pader!

Di ko na napigilan ang sarili ko! Mismo ako, galit ako sa sarili ko!

Ang gago ko! Ang gago gago ko!

Bakit hinayaan kong mangyari un?

Bakit di ko kinontrol ang sarili ko sa pag inom?

Bakit hinayaan kong malunod na naman ako ng alak hanggang sa wala na naman akong maalala!

Wala akong valid reason para idepensa pa ang sarili ko. Naging mahina ako.

Di na ako yung Deanna dati. Yung dating kilala ni Jema. Hindi na ako yun. Wala na yung Deanna na yun.

Mahina na ako.. Wala na akong kwentang tao. Dahil sa alak nagawa kong lokohin si Jema.

Kahit pa sabihin kong lasing ako, wala akong maalala, na akala ko si Jema yung kasama ko, hindi sapat na dahilan yun para mapatawad niya ko.

Kung gagawin nga sakin yun, magwawala ako sa galit eh. Galit ako sa sarili ko.

Hindi ko na kilala ang sarili ko..

Niloko ko si Jema. Tapos!

Wala kang kwentang tao, Deanna!

Manloloko ka, gago ka! Wala ka ng pinagkaiba sa kanilang lahat!

Hindi mo deserve si Jema na ikaw lang ang minahal simula pa noon hanggang ngayon..

Sana di ko na lang tinanggap tong project na to.

Wala pala ako eh, di ko pala kaya panindigan si Jema. Konting alak lang, nawala na ko sa sarili ko.

Mas malala pa ko sa Deanna na nagpaka wasted non sa LA..

Mas okay pa yun eh, at least hindi kami ni Jema non. Eh ngayon?

Pinagkatiwalaan niya ko. Sinira ko lang yun sa isang gabing pag sasaya!

Napabagsak na lang ulit ako sa sahig dito sa kwarto ko.. Nagdudugo na ang mga kamay ko pero wala akong maramdaman.

"Jema, I'm sorryyy.." napaiyak na lang ako sa sobrang disappointment sa sarili ko..
.
.
.
.
Pagkatapos kong mag shower at mag ayos ng gamit ko. Hinanap ko ulit ang phone ko dito sa hotel room ko.

Kailangan kong tawagan si Jema. Anong oras na. Pero hindi ko pa din makita..

Tumawag na ko sa reception. Nagpa request na lang ako ng long distance call.

I need to talk to her. Para na kong mababaliw..

Nag advise na yung reception. Inantay ko na lang sa line ko na ma reach si Jema.

Saglit lang, narinig ko ng nag riring yung kabilang line..

Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko..

Closing TimeWhere stories live. Discover now