33

3.5K 117 61
                                    

J

"Ate! Ano? Pagod ka na? Di mo na kaya?" sigaw ni Mafe sakin..

"Oo nga, bes, haha.. Pagod na?" dagdag pa ni Jia

Nandito kami ngayon sa Pico de Loro for hiking.. Pagod na pagod na agad ako. Etong si Mafe at Jia parang naglalakad lang sa patag na daan. Parang di napapagod.

"Bat parang di kayo napapagod? Yung totoo? Nagpractice ba kayong dalawa?"

"Hay naku, ate, uso kasi mag exercise minsan hahaha."

"Oo nga, Jema! Hahaha.. Uso mag jogging kahit busy sa work.. Hahaha.."

Aba, aba.. Tong dalawang to pinagtulungan pa ko..

Sabagay, dapat siguro magkaroon ako ng ibang activity bukod sa pagbababad ko sa hospital.

8 months ago, nag migrate na nga yung head namin sa orthopedic department, at ako ang napiling pumalit sa kanya.

Bale 1 month after makipaghiwalay sa akin ni Deanna, na-promote ako as head ng orthopedic department. Mas lalo kong pinatunayan na tama na ako yung napili nila as head.

Pero ngayon, nag decide kami ni Jia na mag off sa hospital duties kahit 3 to 5 days lang.. At dito kami nagpunta sa Batangas.

Mahilig kasi maghiking at umakyat ng bundok si Jia. Inaya niya kami ni Mafe na sa rest house nila kami mag stay.

Ikinuwento ko lahat kay Jia yung nangyari sa amin ni Deanna. Nag advice lang siya at syempre kinomfort ako nung mga unang araw at linggo dahil iyak pa din ako ng iyak kahit naka duty kami non.

Pero ngayon, okay na ako.. Sa work na lang ako nag focus at sa sarili ko.

As for Deanna, ang huling balita ko, pumunta pala siyang US. Yun ang sabi sakin ni Kim eh. Pinuntahan ko pa kasi siya non sa unit niya 3 days after namin maghiwalay pero mukhang wala siya non.

Nakailang pabalik balik ako sa unit niya pero di ko siya nakita at naabutan dun. Kaya nagpunta na ako non sa office nila, at dun ko nalaman kay Kim na umalis nga siya papuntang US, kaya pala di ko na siya matawagan sa number niya non, wala na pala siya dito non.

Yun na ang huli kong balita sa kanya. Hindi naman siya active sa social media eh. Hanggang ngayon wala akong balita sa kung ano ng nangyari sa kanya..
.
.
.
.
.
----------

D

"Hey, D.. Where are you going?"

"Going home.."

"Come on, D.. Stay for awhile.."

"I can't, Mich.. You know, staying after doing this is not my thing.."

"Yeah, I know naman.. But we've been doing this for so long na ah.."

"Yeah, but, I really can't stay.. I need to get some good sleep, we're going out tonight.."

"Going out again with Bea? Almost every night na yan ah.. And then, what, you'll end up with some random girl's bed na naman?"

"So, what, Mich? I'm single.. I can do whatever I want."

"Why not settle with me, D?"

"Mich, you know I don't like commitments na, di ba.. We've talked about it. We're better off this way, right?"

"Right.. And then, pag may new girl na naman, makakalimutan mo na naman ako.."

"I have to go na, I'll see you soon.."

Maddie got us the soonest flight going here in LA.. Pagdating namin, wala akong sinayang na oras.. Niyaya ko agad sila ni Bea na lumabas at gumimik ng gumimik..

Sinamahan ako ni Maddie hanggang sa expiration ng emergency leave niya, she stayed with me here in LA for 2 months. Pero bumalik din siya sa pinas dahil may work nga siya.

Sa apartment ni Bea ako nag stay after bumalik ni Maddie sa pinas.

Nagbilin siya sakin ng katakot-takot pati si Bea binalaan niya na wag ako kunsintihin sa kung ano anong kalokohan.

Pero hindi ko nagawang sundin lahat yun.. Ginawa ko lahat ng gusto ko.. Bar, party, inom kung saan saan.. Si Bea ang lagi kong kasama.

At sa bawat party na pupuntahan namin, lagi akong may makikilalang babae.

Night after night, iba ibang babae ang kasama ko sa ibat ibang motel, sa ibat ibang apartment at sa ibat ibang kama. Parang biglang naging ganito ang routine ko..

Then, one night at a party, I met Mich.. Bea was invited sa birthday party niya, sinama ako ni Bea..

She's nice and different from other girls na nakilala ko dito.. I told her everything about me and she's cool about it. She understands bakit ganito ako ngayon.

She became my confidante.. She knows commitment is not my thing right now.. So, we just screw around.
.
.
.
.
.
Pag balik ko sa apartment nakita ko si Bea sa kitchen may piniprepare na food.

"Hey, Deans, what's up? Nakailang rounds kayo ha? Haha.. Kwento na!"

"Gago! Hahaha.. Ano yan? Sakto gutom na ko."

"Gutom, Deans? Di ka nakakain kagabi? Hahaha.."

"Sira ulo ka talaga, gusto ko ng totoong pagkain hahaha."

"Oh eto, clubhouse prepared by chef Bea! Hahaha!"

"Pag to di masarap! Saan tayo mamayang gabi, Bei?"

"Kahit di masarap yan, alam kong nasarapan ka naman kagabi hahaha.."

"Inaasar mo pa ko, saan nga tayo mamayang gabi gigimik?"

"We're going to Tristan's apartment. So, dude, be prepared.. Madaming booze and girls dun mamaya. Dapat pogi tayo! Hahaha.."

"Yown, sakto! I'm in.. Sige, I'll get some sleep.. Di ako pinatulog ni Mich eh hahahaha.."

"Wooohhh! You're the master, Wong! Teach me how! Hahaha."

Pumasok na ko sa kwarto at ibinagsak ang katawan ko sa kama..

Another party tonight!

Closing TimeWhere stories live. Discover now