54

4K 197 55
                                    

J

Hindi naman totoong may patient ako ng 1pm kanina.. Sobrang sakit pa din kasi sakin na makita si Deanna eh. Naaalala ko lang yung ginawa niya..

Kahit nakaalis na siya kanina, hindi pa din siya mawala sa isip ko. Nag extend na ko dito sa hospital pero kahit may ginagawa na ako at busy, siya pa din ang nasa isip ko.

Halos mag uumaga na ulit, pero hindi pa ako umuuwi.. Siya pa din ang nasa isip ko.

Tama ba ang naging desisyon ko?

Tama ba na pinakawalan ko ulit siya?

Tama ba na mas nakita ko yung nag iisang mali niya kaysa sa napakaraming mabubuting nagawa niya sakin?

Di naman nawala o nabawasan yung pagmamahal ko kay Deanna eh. Nasaktan lang ako ng sobra talaga.

Kahit sinong tao masasaktan kung ganon ang mangyayari.

Pero may tiwala ako kay Deanna.. Alam kong totoo ang sinasabi niya na hindi niya sinasadya ang nangyari.

Never niyang sinadya na saktan ako. Pag nagdedesisyon siya ng makakasakit sakin, laging ang resulta sa dulo non ay para sa ikakabuti namin at ng relasyon namin.

Hindi naman santo si Deanna para hindi magkamali eh. Alam kong may nangyari para dumating siya sa point na yun.

Pwedeng pwede nga niya itago na lang sakin yung nangyari na yun eh. Pero inamin niya pa din sakin.

Wala na ata akong makikitang ganong tao, yung titiisin lahat para sakin. Yung kahit alam niyang baka mawala ako sa kanya, aaminin pa din niya yung mga pagkakamali niya..

May ganon pa ba? Kung meron pa, mamahalin kaya ako non gaya ng pagmamahal sakin ni Deanna?

Kaya ko bang mawala si Deanna sakin?

Di ba ang importante naman mahal ko siya at mahal niya ko?

Ayokong mawala siya dahil lang sa isang pagkakamali niya..

Isang pagkakamali lang yun, kaya ko siyang patawarin kaysa pagsisihan ko buong buhay na binitawan ko siya, na di ko pinaglaban yung pagmamahal ko sa kanya dahil lang nasaktan ako.

Kung iisipin, mas malala pa yung ginawa ko non. Iniwan ko siya basta basta. Pero kahit ganon yung ginawa ko, tinanggap niya ulit ako.

Kung nagawa niya kong patawarin non, bakit ko ipagkakait sa kanya yun ngayon?

I need to see her now..

Ayoko siyang mawala.. Mas di ko kakayanin..

"Jema... Bes... Wait!" nagmamadali na kong lumabas ng hospital.

"Hey, Jia? Medyo nagmamadali kasi ako.."

Niyakap niya ko bigla...

Ano to? Anong meron? Di naman ganito si Jia..

"Bes, ingat ka.. Go get her.."

Napa atras ako bigla.. Ano ba tong sinasabi ni Jia?

"What do you mean, bes?"

"Si Deanna pupuntahan mo di ba?"

"Pano mo nalaman?"

"She went to me yesterday, para makausap ka niya.. Its now or never, bes.. We can always forgive, Jema.. Baka eto na yung last chance niyo. Baka wala ng sumunod pag nagpaka lunod ka sa sakit.."

"Thank you, bes. I know what to do now.. I'm not letting her go.. Bye, bes.. Wish me luck!"

Nagtatatakbo na ko papuntang kotse..

Closing TimeWhere stories live. Discover now