29

3.7K 128 20
                                    

D

"Kim, nasaan na yung plano dito sa table ko?"

Nasaan na ba yun kanina ko pa hinahanap. Dito ko lang iniwan sa table ko yun kahapon eh..

"Anong plano?" lumapit na ko sa table ni Kim..

"Yung project sa Bacolod, inaayos ko pa revision non eh.."

"Ah, yun ba? Binigay ko na sa bago nating architect, tambak ka na eh, siya na pinag revise ko."

"Bagong architect? Sino? Bat di ko alam?"

"Ah, basta, may bago tayong architect, kahapon ko ininterview, wala ka kasi, di ba nagpaalam ka? Early out.."

"Oo nga, pero bakit mo binigay? Ako yung nirequest ng client dun, mamaya magkamali pa siya sa revision."

"Relax, Deans.. Magaling yung bago nating architect."

"Kim, hindi pwede, big project yun.. Ayoko ma disappoint yung client natin.."

"Hay, naku, oo na.. Ganito na lang, lunch na muna tayo, tapos saka natin pag usapan okay?"

"Okay, sige.. Lunch na tayo.."

Kainis naman.. Sino ba yung bago na yun at ipinagkatiwala sa kanya ni Kim yung revision non..

Pag tapat namin sa elevator saktong bumukas to..

"Uy, sakto.. Architect, nakabalik ka na pala.. Tara, sabay ka na samin, may pag uusapan tayo.." bati ni Kim sa lumabas sa elevator..

"Boss, maka architect naman. Ysa na lang.."

Eto ba yung bago na sinasabi ni Kim? Hmmmm...

"Deans, siya yung bago nating architect, Arch. Ysa Jimenez.. Di ba familiar, Deans?"

Ha? Anong familiar? Eh ngayon ko lang nakita to..

"Ah, hindi eh.. Ano, tara, baba na tayo gutom na ko." wala ako sa mood makipag usap. Hay..

"Sige, mukhang gutom ka na, Deans eh. Dun na natin pag usapan yung project niyo.."

Project namin? Makakasama ko siya? I thought sariling project ko na to.. Ako naman nag design nito.. Di ko na na need ng architect.

Pag dating naman sa isang korean restaurant, umorder na agad si Kim..

"Ah, Ysa.. This is Deanna Wong pala. Dapat siya mag iinterview sayo kahapon pero something important came up, right, Deanna?" pag sisimula ni Kim.

Inaantay na namin dumating yung order namin.

"Ah, yeah.. I'm sorry for that.." tipid kong sagot..

Si Ysa nakangiti lang.. Nasa harap namin siya ni Kim nakaupo..

"Anyway, about the project in Bacolod pala, ganito na lang.. Kayong dalawa na lang humawak non, okay lang ba?"

Napatingin ako kay Kim..

"Its my project, Kim. I can handle it on my own.. You know me.."

Si Kim kasi yung nag dedecide kung kanino mapupunta yung mga projects. Siya yung laging may last say sa lahat.

Ako naman, more on project presentation ako. Ako lagi humaharap sa mga clients para ioffer yung services namin sa firm at para ipresent yung mga proposal namin..

Dahil ako nga ang madalas kaharap ng mga clients, ako na din yung nirerequest nila humawak ng project.

Well, charm lang naman yan hahaha.. Asset nga ako kung tutuusin sa firm namin. Mostly ng mga projects ako nakapag close ng deal non..

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon