38

3.8K 162 52
                                    

J

Sobrang relaxing ng massage session namin ni Jia at Mafe.. Almost 3 hours din kaming nandun.. Sinulit na namin nagpa body scrub at facial na din kami..

"Ano, ate, relaxing ba yung treat namin ni ate Jia sayo?"

Naglalakad na kami dito sa labas ng mall past 10pm na din naabutan na kami ng closing ng mall..

"Oo, sobra.. Thank you sa surprise dinner treat at sa spa.. Hehe.."

"Aba, ang lagay ate, thank you na lang ba? Manlibre ka naman dyan.. Hahaha.. Bawasan no naman laman ng bank account mo.."

Sinasabi ko na nga may kapalit lahat to eh.. Haha..

"Oo nga, bes.. Pa-kape ka naman dyan haha.." dagdag pa ni Jia..

"Kape? Eh gabi na kaya baka di kayo makatulog nyan.. Haha.."

"Okay lang, bes.. Sabado naman bukas, wala ako duty bukas. Di ba ikaw din? Hehe.."

"Oo nga ate.. Lubusin na natin tong birthday mo ohhh.. Kung ayaw mo ng kape, kahit isang bucket lang, tara! Hahaha.."

"Ayyy, gusto ko yan, Mafe! Hahaha.. Parang ang tagal ng di nadadaluyan ng tequila ang lalamunan ko.. Hahaha!" ayun nagtawanan pa silang dalawa at nag apir.

"Hoy, kayong dalawa, tumigil na kayo. Walang iinom! Haha.. Tara na, libre ko na lang kayo ng kape kahit ilan pa.. Mag ddrive pa yan si Jia pauwi, di pwede malasing.."

"Kj mo naman, bes.. Pero sige, go na ko dyan sa pakape mo! Samahan mo na din ng cinnamon or sausage roll ah.. Hehehe.." yumakap pa si Jia sa braso ko..

Naku, basta pagkain talaga to si Jia, ang dali kausap hahaha..

"Oh, tara na! Ano pang hinihintay natin? Tara na sa Starbucks!" aya ni Mafe..

"May bukas pa bang Starbucks ngayon?" tanong ko..

"Bes, parang di nagwowork sa Makati? Ang daming bukas na Starbucks dito hanggang madaling araw.. Tara na! Excited na ko sa libre mo.. Hahaha.."

Ayun at nagmamadali na tong dalawa maglakad para sa libre ko.. Jusko! Tong dalawang to nagkakasundo pagdating sa libre at sa pagkain, ang bibilis..
.
.
.
.
.
Pagdating namin dito sa Starbucks, umupo na agad kami. Buti na lang di to kalayuan sa parking namin..

"Mafe, ikaw na umorder dun oh.." inabot ko sakanya yung wallet ko..

"Suuurrreee, ate! Birthday mo naman! Hehehe.. Ano order niyo?" tumayo na siya..

"Sakin venti iced white chocolate mocha lang, extra whipped cream ah.." sagot ko.

"Sakin, Mafs, venti chocolate cream chip, cinnamon and sausage roll.. Hahaha.."

"Gutom na gutom, ate Jia?" natatawang sabi ni Mafe..

"Sinusulit ko lang libre ni Jema hahaha.. Sulitin mo din naku next year na ulit yan.."

"Okaaaay! Order na koooo.." lumakad na papuntang counter si Mafe..

Di ko alam saan ba napunta yung mga kinain ni Jia kanina eh.. Hahaha.. Parang gutom na gutom na naman siya.. Haha..

"Bes, ano? What's the deal sa inyo ni Dr. Vinzon?" biglang tanong ni Jia..

"Anong deal?"

"Luh, ano, bes.. Maang maangan?"

Ano bang pinagsasabi neto ni Jia..

"Sira.. Maang maangan ka dyan.. Di ako assumera no hahaha.."

"Bakit? Di ba nanliligaw sayo? Lagi ka kaya dinadalhan ng food and flowers hihihi.. Keleg ako bes... Ang cute kaya niya..."

Naku tong si Jia! Siya ata may gusto dun eh.. Grabe kiligin..

Closing TimeWhere stories live. Discover now