chapter 09

52 27 18
                                    

-Shacy's POV-

Mahihimatay na yata ako nito!

Nagmukha akong patay na naglalakad sa isang hallway patungo sa room ko. Hindi nag-sink in sa kukute ko ang mga nangyari.

Nauna ako kay lola dahil aasikasuhin pa daw niya ang nangyari. Lakas talaga ng tama ni lola! Tsk! Shabu pa more! May pa fired-fired pa siyang nalalaman...kala mo may pampalit agad. Hayst!

Pero...

How come na si lola ang nagmamay-ari sa school na 'to?

Ba't hindi ko alam?

Kung hindi siguro pumunta si lola rito...malamang hindi ko rin malalaman!

Naiinis tuloy ako!

Ilang minuto pa ang lumilipas habang lumilipad ang utak ko sa kalangitan, hindi ko tuloy namalayan na nakapasok na pala ako ng room ko. Wala sa sariling napatingin ako sa mga kaklase ko na yumuko sa harapan ko, tapos lahat sila'y hindi makatingin ng diritso sa'kin. Weird. Nasapian? Hindi naman sila ganito ah. Sa katunayan nga eh room namin ang pinakama-ingay sa lahat...pero ba't nag-iba yata ang atmosphere ngayon?

"Nasapian ba kayong lahat?" Agad kong tanong sa kanila.

"M-my lady, hehehe u-upo na po kayo hihihi." Ani ng kaklase kong lalaki.

Teka...anong sabi niya?

"My lady? Tol! Lakas mong magbiro ah! Hindi nakakatawa." All of  'em just look at me, ngunit halatang halata sa mga sikmura nila ang pagkakailang. Tapos dagdag niyo pa ang mga mata nilang umiiwas sa tuwing tititig ako sa kanila.

"A-apo ka pala ni lady prima, my lady? P-pasensiya ka na pala, n-ngayon lang namin nalaman. Ina-announce kasi sa isang broadcasting room n-na nandito si Lady Prima...a--at---a-at ikaw ang apo niya. Hi.Hi.Hi." Tugon pa ni Stella na nakaupo sa second row, column two.

Naiilang narin tuloy ako sa kanila. Sarap batukan ni lola, eh! (T__T)

Sshhhaacccyyy...huhuhu! Nasa'n ang self-confidence mooo???

Kailangan kong gumawa ng paraan. Ayaw kong tinatrato nila ako ng ganito. Ayaw kong tinitiningnan nila akong nasa itaas, baka ma stiff neck pa sila...kasalanan ko pa pagnagkataon. Diba? Hayst!

"Ahem!" Pagtitikhim ko pa upang makuha ang mga atensyon nila at hindi rin naman ako nagkamali. Para silang aso na kanina'y nakayuko tapos bigla nalang tititig sa'yo na kala mo may dala kang something.

*kurap

*kurap

"My lady---"

"Hep! Hep! Hep!" Putol ko pa kay Jepoy, ang kabayo kong classmate. Beke kumbaga. "*sigh* I hate people calling me my lady. Para kasing wala tayong pinagsamahan, kung noon parang magtropa tayong lahat, ngayon naman para kayong mga asong ulol--" hindi pa natapos ang heart to heart speech ko tumawa na agad ang mga loko! May mga sayad talaga to. Minsan talaga iniisip ko...paaralan ba talaga to o mental?

"Seriously." At this moment, tahimik na ulit sila. "Wag na wag niyo ako tawaging my lady  dahil hindi niyo ako pagmamay-ari. Tsk! Tsk! All of you can still call me Shacy. Tratuhin niyo rin ako tulad ng pagtrato niyo sakin dati. Awkward lang kasi, hindi ako sanay." Pagtatapos ko pa pero tahimik parin sila.

*face palm!

(>>__<<)

Naiintindihan ba nila ako? Para silang mga alagad ni Madame Batuigas, mga alien.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now