chapter 46

15 7 4
                                    

Framed.

Panay ang pag-e-explain ko kay Balensyano tungkol sa kantang napili ko. Tanong rin siya ng tanong kung paano ko ginawa at kino-compose ang lerikong 'yon. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya kung sino talaga yung totoong composer kaso baka magtaka sila. Kaya nag-iwas nalang ako at pilit sini-shift yung topic ng usapan.

(>__<)

Sa ngayon pinasama ni Balensyano si Luciosuno papunta sa kaniyang silid upang i-check kung ano ang laman ng regalong binigay ni Gorilla sa kaniya. Binuksan narin niya yung bigay sa kaniya ni Princess Yanaez at Luciosuno kanina. Isang box na puno ng mga alahas yung bigay sa kaniya ng Prinsesa, medyo nadismaya pa siya dahil wala naman siyang hilig do'n. Buti nga nung nagreklamo siya wala sina Gorilla at Princess Yanaez. *face palm*

Isang turumpo naman yung bigay ni Luciosuno sa kaniya. Tuwang tuwa pa nga siya dahil may pampatay na raw siya sa mga maliliit na langgam. (>.<) Nakakairita raw ang masasakit na kagat nito, nababawasan 'kuno' ang kamachuhan niya. Respituhin nalang po natin.

"Samantha, can you get me a glass of water? Use Prince Gav's glass." Utos pa ni Princess Yanaez habang prenteng naka-upo sa couch na gawa sa kahoy.

Napatango naman ako saka tumalima na sa utos niya. Hindi ko alam kung nasaan si Gorilla, mag-isa nalang kasi bumalik si Princess Yanaez dito.

"Ito na po." Sabi ko sabay lahad sa kaniya ng isang basong tubig. Inabot niya rin naman ito at agad nilagay sa gilid nitong maliit na lamesa.

Tumikhim naman siya saka tumingin sa'kin sabay taas ng kilay na animo'y nagmamataray. Unti-unti na ako naninibago sa pakikitungo niya sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit, basta meron sa kaloob-looban ko na hinahatak ang sarili ko papalayo sa kaniya.

"Nagbago isip ko. I want coffee, one tablespoon of sugar, and---"

"A-ahm, wala na po kasing mainit na tubig. Pero may juice naman dit---"

"I want coffee." Natigil ako dahil sa pagputol niya sa'kin. "Please?" She added and smiled a bit then rolled her eyes.

(>_<)

"S-sige po." Pagtalikod ko ramdam ko ang titig niya sa'kin. Yung tipong may tinatagong galit at inis.

Napabuga nalang ako ng hangin at ginawa lahat ang inutos niya. Pinabukal ko muna yung tubig saka nilagyan ang tasa. Tinatantsar ko narin yung lasa ng kape at ng asukal bago ko binigay sa kaniya.

Tinanggap niya ulit iyon sa'kin at agad sumimsim. Nagulat naman ako ng bigla niyang linuwa yung kape na animo'y hindi niya nagustuhan ang lasa at padabog na nilagay ang tasa sa lamesa.

"Was it really that hard?! I told you, one tablespoon of sugar!" Sigaw niya sakin. Naniningkit ang mga mata.

Napapikit ako. "Magtitimpla nalang--"

"Then double-quick!"

Pinipigilan ko talaga ang hindi mainis. Disi-utso anyos na ako, hindi ako bata na dapat pang sigawan dahil sa nagawang kamalian.

Ininda ko ang sama ng loob at nagtimpla nalang ulit ng kape. Sinunod ko rin yung gusto niya patungkol do'n sa asukal. Sumibat na ako patungo sa kinauupuan niya ng bigla akong namasid dahil may paang bumarado sa daan!

Napasalampak ako sa sahig at nabasag pa yung tasa! Agad kong tinignan kung kaninong paa 'yon at do'n ko na nagpagtanto ang totoong kulay nito.

"Ooppss?" Nakangising ani ng Prinsesa.

Kahit hindi sila magkadugo sa ina ng kapatid niyang si Laiterang Princess Mailah, pare-pareho parin sila ng pag-uugali. Ang pinagkaiba lang, mas matalim siya kesa sa isa.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now