chapter 50

59 9 18
                                    

Drunk.

"Tham, kailan ka babalik? Kino-kross ko nga yung mga araw sa kalendaryo upang mabilang ko kung ilaw araw kang wala sa tabi ko. Wala tuloy akong kalaro. Alam mo bang may namatay na pating dahil sa violent courtship? Hindi mo tuloy 'yon nasaksihan." Nakasimangot na turan ni Balensyano sabay subo ng pagkain.

Sumama ako sa kaniya. Laking pasasalamat ko kanina dahil sumulpot siya kasama si Luciosuno. Nang malaman kasi ni Balensyano na nandito ako, agad-agad niyang tinugon si Luciosuno na bumalik dito upang makita't makausap ako.

Nandito kami ngayon sa sulok ng palasyo kung saan tago at malimit lang ang tao, may mga nagkakahilera rin ditong mga lamesa at gano'n narin ang mga upuan. Sa tingin ko napapalibutan ang kabuuan ng palasyo ng mga lamesa at upuan. Napaka-engrande talaga.

Imbis na sagutin ko si Balensyano ay yumuko nalang ako. Hindi ko kasi mahanap yung mga salitang gusto kong ilabas. Blangko ang utak ko ngayon. Paulit-ulit rin rumehestro sa paningin ko ang imahe nina Gorilla at Kieno. Hindi ko alam kung anong meron sa side ni Kieno at ganoon nalang ang pakikitungo niya sakin kanina. Naguguluhan rin ako sa puntong ganoon rin ang iniisip ko sa side ni Gorilla.

Ayaw ko sanang umasa pero--hindi ko kasi mapigilang hindi isipin kung may gusto bang sabihin sakin si Gorilla kaya siya sumulpot kanina. Ano rin naman kaya ang sasabihin niya?

Ibig sabihin ba nito may gusto ring sabihin si Kieno sakin? Pero bakit sa mga mata nina Nikka at Princess Yanaez ay para silang nasasaktan habang pinagmasdan ang mga lalaking gusto nila na pukol na pukol ang mga tingin sakin kanina?

May hindi kaya ako alam?

Woman...

I sucked my breath when I heard Gorilla's voice.

Tumunhay ako at nilibot ang paningin kung sakaling hindi ko ilusyon yung narinig ko. May kakaunting panlulumo sa kaloob-looban ko ng mapagtantong wala sa paligid si Gorilla.

Ang laki ng impact niya sakin. Diyos ko, Lord, nababaliw na ba ako?

(T__T)

Ganito ba talaga ang feeling kapag may nararamdaman ka sa isang tao?

"Tham, hoy! Hoy! Tham!" Nagising agad ako sa ulirat ng biglang yinugyog ni Balensyano ang balikat ko.

Gulat ang pumaratay sa mukha ko ng masilayan silang dalawa ni Luciosuno na tila mukhang kanina pa nakamasid sakin.

"B-bakit?" Naiilang kong tanong bago bumalik si Balensyano sa kaniyang inuupuan.

"Hayy naku, Tham. Hindi ka kasi nakikinig sa pinag-uusapan namin ni Felix." Nakangiwing bulalas ni Balensyano.

Napakamot ako saking batok. "Ah hehehe. Ano ba kasi ang pinag-usapan niyo?" Nahihiya kong puna.

"About the long lost princess of North and South Hwanghae, lady Sam." Pormal na ani Luciosuno. Napatango-tango nalang ako at pilit tinatago ang hiya.

Totoong may kakapalan ang mukha ko pero mas makapal yung hiya ko, no.

"Ang hirap naman kasi ng mga clues. Ang gulo rin ng pangyayari." Anito Balensyano. "Sa pagkaka-alam ko'y tapos na si Princess Aivela sa paghahanap kay Princes Allysa sa lugar ng South Hwanghae. Hina-house-to-house pa nga nila ngunit wala naman do'n yung Prinsesa. Baka nasa ibang probensya?" He added dahilan para matigilan ako.

"Teka, tapos na sa South Hwanghae?" Di mapigilang tanong ko. Casual namang tumango si Luciosuno sabay kuha ng baso at nilagyan ng soju.

"I think last month lang natapos, Lady Sam." Saad pa niya.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now