chapter 45

17 8 2
                                    

Birthday Gift.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa nakakakiliting balahibo ni Shamsham na sumisiksik sa mukha ko. Pansin ko rin ang kumot na bumabalot sa katawan ko, medyo may mumunting gulat sa kaloob-looban ko ng mapagtantong may unan narin ako.



Eh?


Hindi ba't natutulog ako ng walang kumot at unan? Paano napunta sakin ang mga ito?


Napalingon ako sa kama at wala na do'n si Gorilla.



"Hinablot ko kaya kumot at unan niya habang natutulog ako?" Tanong ko sa sarili. Wala na kasing kumot ang kama niya, dalawa nalang rin ang natitirang unan do'n dahil nasa akin ang tatlo.



Napakamot nalang ako ng ulo. Kung sakaling hindi ko hinablot ang kumot at mga unan ni Gorilla, sino rin naman ang mala-anghel na nilalang ang gumawa nito sa'kin?



Tumayo nalang ako at inayos ang ang higaan saka nilagay ng maayos sa hanay na higaan ni Gorilla. Lumabas narin kami ni Shamsham at sinimulan ko na ang aking mga trabaho. Nagluto, naghugas ng mga kaldero, baso at kung anu-ano pa, diniligan ang mga mumunting halaman pati lupa diniligan ko narin baka magreklamo pa si Gorilla. Nagwalis narin ako sa courtyard at gano'n narin sa mga kwarto nila, except sa pribadong silid, baka pagalitan pa ako ulit.



Kasama ko ngayon si Shamsham dito sa loob ng silid ni Balensyano. Inaayos ko ang kunot at gusot gusot niyang kumot. Naglakat rin ang mga unan niya, yung iba nasa ilalim ng kama, yung iba naman nasa likod ng pinto. Bakit ang gulo niyang matulog? Bugbog sarado palagi silid niya, eh.



Habang hinahanay ko ang mga kagamitan niya sa kaniyang maliit na drawer, nag-pop up sakin ang mga sinabi ni Gorilla kagabi tungkol sa ama ni Luciosuno na inaasasin sa baluktot na dahilan. Napaisip rin ako ng malalim--Kung inaasasin ang ama ni Luciosuno, dalawa lang ang naging option ko...




Una, may mataas na posisyon ang ama ni Luciosuno at may gustong siraan siya kaya ito pinatay.

Pangalawa, pinatay siya dahil may kasalanan siya.



Sa dalawang konlusyong iyon, hindi ko alam kung may katutuhanan ba sa dalawa dahil teorya ko lamang iyon. May parte sa'kin na gustong alamin kung ano talaga ang totoong nangyari pero paano? Sabi nga ni Gorilla kagabi, ni isang ebedinsya wala sila. Planadong planado ang krimen. Wala kaya silang pinaghihinalaan? Ang weird kasi ng pangyayari.



Dahil sa gulo ng pag-iisip ko'y hindi ko na mapigilang harapin si Luciosuno at itinanong sa kaniya lahat ng mga kuro-kuro ko. Nagulat pa siya kung bakit may alam ako tungkol sa mga magulang niya. At dahil umandar ang pagka-onesto ko, kaya ayon sinabi ko nalang ang totoo.



May pagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya sa'kin o hindi. Pero makulit akong tao, hinding hindi ko siya tantanan kung hindi niya sasagutin lahat ng mga katanungang binabato ng isip ko.



Ngunit sa huli ay inopen niya rin sa'kin.

"My father was once a chief executive prime minister of North and South Hwanghae. He do his obligations and responsibilities as one of those officials. But got assassinated with no apparent reason that left behind. I kept on clashing just to get the fair shake of Justice, until I luminously give up because my hope slowly sank in grave." Nakayuko siya habang sinasambit iyon. Hindi ko ugaling mangalaykay ng buhay ng ibang tao, pero buhay rin ng yumaong tao ang pinag-usapan rito---gusto ko siyang tulungang makamit ang hustisya, ngunit hindi ko rin alam kung paano.



Isa-isang pumapasok sa kukute ko ang mga katagang binitawan niya at bigla naman akong natauhan ng may umagaw sa atensyon ko.



"A-akala ko ba sa North at South Hamgyong kayo nagse-serve, bakit nasa Hwanghae naging Chief Executive Prime Minister ang ama mo?" Nagtataka kong turan.



My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now