chapter 44

19 8 8
                                    

Mysterious Assassination.

Hinintay kong makalabas si Gorilla ng Cr. Para akong statwa dito sa labas, hindi makuhang kumurap, tulala habang buhat-buhat si Shamsham.

L-lord, totoo po talaga yung sinabi ko noon, hindi po talaga ako manyak.

(>_<)

Hindi ko naman talaga nakita yung masisilang parte ng katawan ni Gorilla dahil nakalublob sa tubig ang kalahating katawan niya.

P-pero, pang dalawang beses na 'to. *lunok* Nung una sa kaniyang silid, ngayon naman sa Cr.

Pakiramdam ko talaga naging pornhub director na ako.

(>_<)

Leche! Hindi pa ako nakapanuod ng porn ah! Sadyang naging trends lang sa Facebook ko noon! Lumalabas sa timeline ko! Eh, pati nga mga Arabo nakiki-uso!

Auurghh! My precious brain, already surrounded by crazy stains!

Rinig ko namang may pumihit sa doorknob at saka binuksan ang pinto kaya napalunok ulit ako. Hindi ko na mabilang kung nakakailang lunok na ako, basta kinakabahan talaga ako. Feeling ko aatakihin na ako nito sa kaba.

"Tttsss."

Pinikit ko ang mga mata ko upang hindi makita si Gorilla. Pinigilan ko rin ang hindi huminga dahil ayaw kong maamoy yung scent niya.

I heard his footsteps slowly evanesce kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko kasabay sa pagbuga ng hiningang kanina ko pa pinipigilan.

"Where the heck did you get that cat?!" Dahil sa gulat ay malapit ko nang mabitawan si Shamsham! Takte! Buti nahigit ko agad!

(>_<)

Hindi ko alam na nakatayo pala siya sa harapan ko. Nakatapis na ng tuwalya ang kaniyang katawan. Napalunok ako ng maamoy ko ang pabango niya. Ramdam ko rin ang masamang titig niya sa'kin.

"Woman, answer my damn question!" (T__T)

"S-sa labas. Inadap k-ko nalang dahil---"

"Tttss." Tinalikuran niya agad ako at mabilis na tumalima papunta sa kaniyang kwarto. Napapikit naman ako ng pabagsak niyang sinirado ang kaniyang pinto at this time---nilock na niya.

----

"Omo! Waahh! Tham, ang tabachoy niya!" Amazed na amazed na turan ni Balensyano. Tapos ko nang napapaliguan si Shamsham, kaya humahalimuyak yung bango niya tapos lumambot lalo ang mga balahibo niya.

Nasa kama si Shamsham habang si Balensyano naman ay nakaskwat sa sahig. Kanina lang siya nakabalik dito, natagalan daw siya dahil may mga pina-asikaso sa kaniya ang kaniyang ama.

"Meow!" Mukhang natutuwa rin si Shamsham dahiI sa pakikitungo ni Balensyano.

"Onamae wa nandesuka?" Natigilan ako.

"Balensyano, marunong ka magsalita ng Japanese?!" Gulat kong tanong sa kaniya. Nagtatanong kasi siya kung ano ang pangalan ni Shamsham. Nakakaintindi rin ako ng langguage na 'yon dahil pinapaaral sa'kin ni mommy noon. Nag-iisang heiress lang ako, eh.

Napahalakhak siya saka nagkibit-balikat at pinalaki ang dibdib. (>___<) Para siyang si Johnny Bravo pero payat.

"Onamae wa nandesuka?" Tanong niya ulit sa pusa.

"Meow."

Binalingan naman ako ng tingin ni Balensyano. "Ano sabi niya, Tham?"

"Sabi niya, Shamsham ang pangalan niya."

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now