chapter 12

50 25 31
                                    

-Shacy's POV-

"Bakit ba ang brutal mo, Momo?!" Namimilit sa sakit niyang ani habang nakahawak sa tiyan niya.

Gusto ko sana siyang sabunutan kaso naguilty ako. Baka sabihin niyang pangit ang welcome gift ko sa kaniya. Tsk! Ang OA pa naman ng isang 'to!

"Oh siya, sa loob lang ako't maiwan ko muna kayong dalawa dito." Natatawang ani lola tapos umalis na.

Nakapamewang akong tumingin kay Momo at inis na tinignan ang kabuuan niya.

"Hoy kuya-fantasy--este! Mr. Luca Erosh Giacomo Cesaro, bakit hindi mo agad sinabi sa'kin na babalik ka na pala dito sa Pinas?! Edi sana napaghandaan ko 'yung dating mo. Pinataniman ko sana yung airport ng bomba para pati utak mo sasabog!" I said in sarcastic tone.

"Hahahaha. Wala ring silbi kapag ginawa mo 'yon, Momo. Madi-diffuse lang yung bomba kapag nase-sense nilang paparating na ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo."

(>_<) Yuck!

"Hangin." Ani ko't kunwari nandidiri sa mga sinabi niya. Pero ang abnormal tinawanan lang ako!

"So, how's my look? I am now your official agent, my lady." Puna niya pa sa tonong puno sa sarili with matching italian accent. Psh! May pa ikot-ikot pa siyang nalalaman sabay hagod sa kaniyang buhok. Tapos may sexy dance pa siyang nalalaman...hindi naman bagay.

(>_<)

"Ang totoo, agent ka ba talaga o pornstar?" Hindi mapigilang sumbat ko na ikinatigil naman niya.

"What?!" Bulalas niya pa. Yung tipong hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.

Tatawa na sana ako ng mapansin kong ibang iba na talaga siya. Noon ang payatot niya, kulang nalang liparin siya ng hangin. Ngayon ang matcho na! No scratch! He has well build body figure. Attractive biceps, muscles---pansin ko lang, ba't ang dami kong alam tungkoI dito?!

(>.<)

Hayst! Wattpad influence nga pala!

"Momooo." Parang batang usal niya.

Anong nakain nito?!

"Bakit?" Tanong ko nalang. Ang gulo niya eh!

"Bawiin mo 'yon!"

"Ang alin?"

"Yung sinabi mo kanina!"

"Huh?!"

"Momo naman eehh! Hindi ako Pornstar! Agent ako! Italian FBI agent! Momo naman! Bawiin mo 'yon!"

"Hahahahahaha! Pisti! Hahaha! Nag-usap ang dalawang shunga!" Nagkatinginan muna kami ni Momo at sabay lumingon sa bandang likuran ko.

"Hoy stickman! Hindi pa'ko tapos sa'yo ha! Tinatawanan mo ang trabaho ko, eh ang rangal-rangal nito!" Bulyaw pa ni Momo kay insan.

Teka, paano naging agent si Momo? Eh, kasing edad niya lang si insan. Dapat sana nag-aaral pa siya ngayon,  diba?

"Aba! Nagsalita ang payatot! Eh totoo naman ah! Bodyguard?! Hahaha! Mas bagay ata sa'yo yung trisikad driver!" Tila nang-iinis na sigaw ni insan.

Gusto ko rin sanang tumawa kaso...hihihi! Wag na lang, ang lapit ko sa kamatayan para mabatukan. Baka any minute mahihimatay ako sa sakit.

"Oh wait! Mas bagay pala kapag naging garbage man ka!" Nang-aasar paring sigaw ni insan saka nag thumbs up.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now