chapter 15

34 23 15
                                    

Peace.

"Hoy pusa! Hindi kapa ba tapos diyan? Nagugutom na 'ko!" Taena!

Kung makasigaw ang pisti akala mo nasa kabilang bayan ako!

Ipagpatuloy ko na sana ang paglilinis ng kaniyang kamay ng may naalala ako. Ako ang sinigawan niya, pero pusa ang tinawag niya? Baka ayaw niya lang ipahalata sa'kin na may saltik rin siya kaya ako ang sinisigawan niya instead yung pusa?

Sinilip ko ng maigi ang paligid, baka nandito lang yung pusa, diba? Tsaka, ano naman kung nagugutom siya? Nasa pusa ba yung kaldero? Naku! Naku! Naku!

"Hoy! Pusa! Ano bang sinisilip mo diyan?! Gutom na 'ko!" Sigaw niya ulit.

"Eh, sinong pusa ba ang tinutukoy mong engot ka?! Sira kaba? Bakit nasa pusa ba yung kaldero't aligagang-aligaga ka?!" Inis ko ring sigaw. Nakakarindi boses niya, eh! Kala mo babae!

I saw him blinking, yung tipong hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. May nasabi kaya akong mali?

Nagulat nalang ako ng bigla siyang bumugwa ng tawa. Dagdag niyo pang mga balikat niyang taas-baba rin na animo'y nakukuryentehan.

"Ppppfftttt hahahahahaha!" Patuloy parin niyang tawa.

(-_-#)

Basag na kaya bungo nito?

Ang saya niya no? (-_-)

"Bwesit hahahahaha! Lutang kaba?!" At ako pa ngayon ang lutang? Wow! As in wow!

"Epekto ba'yan ng walang kain?" Mahinang bulong ko. I touched my chin habang seryosong nakatingin kay engot. Bipolar kaya siya?

"Bwahahahhahaha! Tangina! Hahahahhahha ang sakit sa tiyan!" Tawa niya ulit, this time may pahampas-hampas na siya sa upuan. Kung makahampas akala mo walang sugat.

May lagnat kaya siya?

Nasa kalagitnaan siya ng pagtawa ng bigla kong hinatak ang damit niya at agad nilapat ang kamay ko sa noo niya.

"Eh? Hindi ka naman mainit ah." Takang usal ko, chineck ko narin ang noo ko kung pareho ba kami ng temperatura. Mukhang okay naman talaga siya.

Napansin ko naman na hindi na siya tumatawa kaya sinulyapan ko ang mukha niya. Gulat ang expression ng kaniyang mukha. Yung tipong nakakita siya ng multo.

"Hoy, engot! Problema mo?" Natanong ko nalang. Nakalimutan niya kaya ako?! Hala!  May amnesia siya?!

"Nawawala rin ba memorya mo?! Engot?!" Sigaw kong tanong sa sikmura niya ngunit umiwas lang siya ng tingin. Hindi na niya ako kilala???!!!

"L-lumayo ka ng i-ilang dipa." Mahina at nauutal niyang sambit. Huh?

-Kieno's POV-

Hindi niya ba talaga alam na ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko?! Baliw ba talaga ang babaeng 'to?! Hindi na ako makahinga ng maayos! Amoy na amoy ko na ang mabangong hininga niya!

Puta!

(>_<)

"Naka druga ka nooo?!" Sigaw niya ng hindi parin lumayo sakin.

"A-ano?!" Hindi ako makatingin sa kaniya! Putcha! Hindi ko alam kung saan iiwas ang mukha ko!

"Eh bakit ka numumula? Ang pula pula ng tenga mo, oh. Tsaka pinagpawisan ka pa. Wala ka rin namang lagnat. Tsaka, ba't kaba nauutal?" Sunod-sunod niyang tanong pero---putcha talaga tol! Palakas na ng palakas ang kabog ng dibdib ko!

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now