chapter 40

16 8 4
                                    

Fever.

"Kahit ano po, lola?" Tanong ko pa kay lola at tumango naman ito. "Gusto ko po sanang maka-experience ng may minamahal at may nagmamahal. Nakakainggit kasi pakinggan ang love story niyo ni lolo. Feeling ko po kasi magmamadre nalang ako. Mukha kasing wala akong kapares sa buhay."

Hindi ko alam kung bakit mas lumaki pa ang ngiti ni lola. Tapos kumikinang rin ang mga mata niya. Ang weird weird na talaga ni lola!

"Apo ko, nakita mo ba 'yan?" Tanong niya sabay turo sa malaking portrait na hinanap niya kanina.

Malamang, eh ang laki kaya niyan! Ang healthy pa kaya ng mga mata ko!

Hindi ko tuloy 'yon masabi dahil sa ka weirdohan ni loka, sa halip ay tumango lang ako.

"Kunin mo 'yan at ilagay mo sa kwarto mo. 'Wag mo munang buklatin 'yang tela, wag mo rin silipin kung ano at sino ang nasa portrait na'yan. Pagpasok mo sa kwarto, do'n mo na tignan."

XXXXXXXXXXXXXXX

"T-tumakbo kana, pakiusap! T-tumakbo kana! Nasa panganib ang buhay mo dito! Papatayin ka nila! U-umalis kana!"

"H-hindi! Hindi kita iiwan dito! Dapat malaman to nina---"

"P-pakiusap, dapat kapang mabuhay. Tumakas kana habang wala pa sila!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip. Sunod-sunod ang malalakas at mabibigat na buntong hininga ang kumawala mula sa'kin. Ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo't likuran ko.

A-anong klaseng panaginip 'yon? B-bakit paulit-ulit?

At, anong nasa portrait na 'yon? Teka, 'yon rin ba yung portrait na palaging sumasagip sa isip ko ngunit malabo ang imahe sa paningin ko?



Bakit putol-putol rin ang mga panaginip ko? Bakit hindi nalang tapusin para wala na akong gambalain pa? Bakit kailangan pahirapan pa ako?

"Tham! Gising kana!" Napasinghap ako ng hangin dahil sa pabiglaang sigaw ni Balensyano.

Teka. Nasaan ako? Kaninong kwarto 'to? Eh, hindi ba't umalis ako? Paano ako napunta rito?

"Gising kana ba talaga?!" Sigaw niya pa ulit sabay lapit sa'kin at tinutusok-tusok ang pisngi ko gamit ang daliri niya. "Gising kana nga! Hindi ka ba nagugutom? Ipagluluto kita ng lugaw, limang araw ka kasing nakaratay diyan sa kama ni hyung, kailangan mo ng lakas para gumaling----"

"Ano?! L-limang araw ?!" Gulat kong sigaw. (0_0)

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. "Oo nga, kakasabi ko lang, eh. Si Tham talaga. Dapat kasi nakikinig ka ng mabuti." Ani niya pa.

(>_<)

T-tapos, sa kwarto't kama pa ni Gorilla?!

Limang araw?!

Sa hindi malamang dahilan ay agad akong pumagilid at padabog na tumayo.

"Teka! Tham, kailangan mo pang magpahinga!" Pigil pa sa'kin ni Balensyano.

Nagtataka naman ako dahil hindi na masakit ang kaliwang paa ko, tapos may bandage narin ang kanan kong braso at mukhang humihilom narin ang sugat na natamo ko.

"Tham! Baka magalit si hyung, humiga ka muna kasi at magpahinga." Puna niya ulit.

Narinig ko lang ang salitang 'hyung' ay agad bumukal sa inis at galit ang dugo ko.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now