chapter 39

17 8 15
                                    

Private Room.

-Samantha's POV-

Ang takte pala rito. Napaka-boring. Wala akong magawa. Ano rin naman ang lilinisin ko? Eh, halos kumikintab na sa linis ang paligid ng hanok na'to? Itong puno ng mangga nalang ba ang kiskisin ko para kumintab rin ang balat nito? Bakit ba kailangan maging personal na katulong pa ako? Dagdag lang sa gastusin? Ganun?

Napakagat ulit ako sa manggang nakuha ko. Nahirapan pa akong umakyat dito sa sanga dahil sa taas, tapos idagdag niyo narin na hanggang talampakan ang suot kong hanbok. Si Balensyano natutulog sa kaniyang silid, buka nga ng buka bunganga niya kanina sa kaka-kwento tungkol sa paghu-hunt niya ng usa do'n sa gubat. Go with the flow lang naman ako at tawa ng tawa kahit bakas ang pagkadismaya dahil hindi talaga ako sang-ayon sa mga sinasabi niya. May napatay na daw siyang kalapati, pinana niya raw ito tapos tinapon. May na head-shot narin siyang mabangis na buwaya. Hays, mas napapadalas nga ang paghunt niya sa mga usa. So far, anim pa daw ang napatay niya. Napatampal nalang ako sa sariling noo. Isip bata. Bakit kaya hindi niya ako gayahin? Conservative. Tch!

"Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside
Your love, your love, won't you give me, your love."

Kanta lang ako ng kanta dito. Nakahiga sa sanga ng mangga. Nakatingin lang sa mga dahon na nagsisiyawan dahil sa hangin. Gusto ko nang umuwi. Plano ko pa nga sanang tumakas, kaso hindi ko alam ang daan. Malayong malayo ang lugar na to sa Hwanghae. Wala akong mapa, wala rin akong gadget para sa GPS tracking. Nakakapanlumo talaga, sana hindi ako dito magtatagal. T_T

Hi, I'm chucky wanna play?

Baby cell phone ko. T^T Gusto ko ulit marinig ring tone ko.

Sinasapaksapak at yinuyogyog ko ang ibang sanga ng mangga dahil sa namumuong inis sa kaloob-looban ko. Tanggap ko naman na magiging madre na ako pero bakit nandito pa rin ako? Balak ba ni lola na pahirapan ako?

Pero, ang gulo rin. T^T Ayaw ko rin iwan sina nanay at tatay dito, eh. Ang tanong, makakabalik pa kaya ako?

Aasta sana akong gumulong-gulong nang biglang lumusot sa magkabilang sanga ang katawan ko at kunti nalang para mahulog na ako! Takte!

Mahigpit ang kapit ko sa isang maliit at tipong stick na sanga, nagmukha akong hayop na nasa baba ang ulo habang ang paa ko ay nakasabit sa ibang sanga sa itaas. (T_T)

*crack!* Peste! Nabali yung sanga na kinakapitan ko at paunti-unti naring lumuwag ang mga paa ko na nakasabit sa ibang sanga. Kunti nalang...mahuhulog na talaga ako!

"Aaahh!" Hiyaw ko ng malakas nang mahulog ako at hinintay na bumulagta ang katawan ko sa lupa!

End of the world naa!

Dahil sa kumakabog kong dibdib ay napapikit ako.

Lord, kung sa kaling katapusan ko na dahil aasahan ko talagang mabagok ang ulo ko, sana paggising ko nasa modernong panahon na ako kasama si nanay at tatay, isama niyo narin sina Kieno, Kaia at ang tatlong unggoy.

Ilang segundo na ang lumilipas ngunit hindi ko parin naramdaman ang pagbagsak ko sa lupa. Napakunot noo ako. Lumulutang kaya ako? Lumilipad? Teka! Waaahhh! May powers ako?!

Idinilat ko ang aking mata upang tignan ang sarili ko kung lumulutang ba talaga ako dahil may kapangyarihan ako, at mukhang lumulutang nga talaga ako! Waaahh!

Nakakulob ako at kaharap ko ang lupa na batid ko ay isang dipa lang ang gap namin. May powers talaga ako! Waahhh!

Teka, ba't nakakulob ako? Subukan ko kayang tumihaya? Hihihihi!

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now