chapter 17

32 24 18
                                    

Old Family Photo.

"Kumusta, apo ko? Naging masaya ba ang iyong paglalakbay?" Lola said as she run her fingers in my nose while smiling.

"Lola, kung ano man po yung nakain o na-inum niyo, sa kerami-raming tao dito sa mansion natin, bakit ako pa ang napagdeskartihan mo? Lola talaga! Nagtatampo na talaga ako sayo!" Usal ko saka pinahaba ang nguso.

"Apo ko." Natatawang tawag niya sakin sabay gulo ng buhok ko. "I was captivated by your undiluted and impeccable heart that beats for some rare palm off wishes. It wasn't my doings who let you drowned  to such arduous footing, it was your fate and your ..."  lola stopped uttering and carefully caress my hair.

"And my what, lola? Gulo gulo mo talaga kahit keylan, lola!"" Wika ko pa sabay kamot ng leeg. Patanda na nang patanda tong si lola, nagfe-feeling teenager parin. Hayst!



"And your absolute freedom, apo ko." Ngiting pagpatuloy niya.


Sasat-sat pa sana ako ng biglang umikot ang paningin ko. Unti-unting nawala ang imahe ni lola at napalitan ang paligid ng kulay itim.


"L-lola?"



Mag-isa nalang ako dito sa isang napakadilim na kwarto. Yakap-yakap ang sarili.



"Come home safe, apo ko." Animo'y napakalakas na hangin ang mga salitang iyon upang magbigay bagabag sa tenga ko.



Kinain agad ako ng kaba at takot. Hanggang sa may kung anong pwersang humatak sakin dahilan para matumba ako.




"Lola!" Kabang sigaw ko kasabay sa pagbalikwas ng bangon. Habol ang hininga. Basang-basa ng pawis ang suot kong damit, tagak-tak rin ang mga butil ng pawis mula saking noo.




(>__<)





Ano yon?





Nilibot ko ang aking paningin at dagliang napapikit nang marealize kong nandito parin ako. Nasa pamamamahay parin ako nina Manang Mariclar.




Nanaginip lang pala ako.






Lola, ano ba kasi ang dahilan? Kalokohan ba ang lahat ng to?





"And your absolute freedom, apo ko."






Hindi talaga kita maintindihan. Anong absolute freedom ba ang tinutukoy mo? Sa pagkakaalam ko'y wala naman akong hinihiling sa'yo. At kung may hihingilin man ako pwes hindi ganito.




Sinuri ko ulit ang paligid at ako lang mag-isa dito sa loob ng silid na tinutulugan ko. Tinignan ko rin yung kisame at pinto kung nandito pa rin ba yung tuko! At laking pasasalamat ko ng wala na, nakahinga tuloy ako ng maluwag.




Hinawakan ko ang ulo ko at medyo nagulat pa ako ng may nararamdang tela rito ngunit nabalik rin naman agad sa ulirat ng maalalang may sugat pala ako.




Anong oras na kaya?



Ilang oras kaya ako dito nakaratay sa mattress?



Nandito kaya sina Manang?



Napatingin ako sa bukas na bintana dito sa loob ng silid. Halos tirik na tirik ang araw. Maririnig din mula rito ang mga boses ng mga tao sa labas na mukhang masayang nagku-kwentuhan.



My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now