chapter 14

48 23 29
                                    

SAMANTHA.

Palubog na ang araw at nandito parin ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin upang makabalik ako sa dati. Tahimik lang ako naka-upo dito sa loob ng bahay na malapit sa bintana. Linalaro-laro ko ang aking mga daliri at unti-unti narin akong nawalan ng pag-asa na makabalik sa dati. Paano kung hindi na nga ako makabalik sa dati, ibig bang sabihin nito dito na ako titira?  Habangbuhay?

"Ate Sam, pinasabi ni ina na huwag daw muna kayong tumayo at baka mahilo kayo." Napatingin naman ako sa batang si Kaia at dagliang napangiti.

"Hhmm." Ani ko sabay tango.

"May problema po ba kayo, ate Sam? Mukhang kanina pa pong may bumabagabag sa isip niyo, eh." Nakikita ko tuloy sa kaniya si insan. Kumusta na kaya 'yon? May sakit pa 'yon eh.

Umiling nalang ako at nag-iwas ng tingin sa bata. Samantha instead of Shacy.

Naisip kong mas ok na kung tawagin nila akong Sam o Samantha, total ang tanging alam nila ay nagka-amnesia ako buhat sa pagkakaroon ng sugat sa ulo ko.

Tinanggap rin ako ng buong-buo nina Manong Kreno at Manang Mariclar. Nalaman ko lang ang pangalan ni Manang sa pinto, nakaukit kasi do'n ang mga pangalan nila. Tatlo sana ang anak nila, namatay yung panganay na siyang tinatawag nilang hyung. Balak ko sanang magtanong kung ano ang ikinamatay ng panganay nilang anak, kaso--ayaw ko namang mangi-alam lalo na't wala ako sa puder ng mga pamilya ko.

Hinayaan nila akong dito muna tumuloy hanggang sa magbalik ang mga ala-ala ko. Ituturing raw nila akong pamilya at naging malambot rin naman ako dahil do'n.

Ang gaan lang kasi sa kalooban. Ang mabubuting tao na katulad nila ay dapat igalang at sambahin.

Pero, hindi ako taga rito at mas lalong hindi ako parte ng mundong ito.

"Just follow your heart, apo ko. That's your mission."

Ayon na naman ang boses ni lola na kanina pa gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung anong klaseng mission ang pilit ipinapahiwatig niya. Labag rin sa kalooban kong may parte sa memorya kong nawala.

Sa mga naalala ko pagkatapos ng text sakin ni momo tungkol sa relasyon nina Nathaniel at insan ay wala na akong maalala. Tapos nakakagulo ring isipin dahil paulit-ulit sumasagip sa isip ko ang portrait na 'yon.

It's like a broken puzzle that I need to solve in order to get the missing piece.

But how?

Too difficult! I can't even feel my own presence dahil sa mga nangyari.

18**

Sumagip sakin isipan ang taon na 'yon. Teka---

"Kaia, anong taon na ba?" Biglaang tanong ko sa kaniya't napakamot naman siya.

"Ate Sam, mukhang malubha nga ang kalagayan niyo. Taong 18** na po." Sagot nito sabay nguso.

(0_0)

Kinakabahan ako.

Same year.

Same year do'n sa portrait. Pero ano ngaba ang meron sa portrait na 'yon? Hindi ko rin matandaan. Nawala sa memorya ko. Tila blur version lang ang fuma-flash back sa isipan ko.

Mga kababalaghan. Supposedly nasa taong 2019 na ako! Pero bakit ganito?

Nasisiraan na talaga ako ng bait dito!


"Ate Sam?" Tawag sakin ni Kaia kaya napalingon ako sa kaniya ng may pagtataka ng bigla itong ngumiti ng malapad. "Anong pakiramdam habang nasa bisig ka ni kuya Kieno?" Tila kinikilig niyang ani, dagdag niyo pa ang kumikinang niyang mga mata.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now