chapter 27

24 15 15
                                    

Weird.

Napagpasiyahan namin ni Nikka na umuwi na dahil unang una, hindi pa kami kumakain at pangalawa aayusin ko pa yung silid ko dahil kaming dalawa ang matutulog do'n. Gabi na kasi at hindi siya makauwi dahil sa ordinansang sinasabi nila.

Naka-akbay ako sa balikat niya at halos tawa lang kami ng tawa kahit nasa kalagitnaan kami ng daan. Sini-share niya kasi yung epic moments ni Kieno sa'kin. Nahulog raw si Kieno sa puno at aksidenteng tumama ang noo niya sa dumi ng carabao, tapos preskong presko pa raw 'yon! (>_<) ang pangit niya habang ini-imagine ko pppfftt! Wahahahaha!

"Siya nga pala, tungkol sa kwenento mo kanina regarding Princess Mailah, mag-ingat ka sa kaniya. Hindi siya yung tipong tao na titigil lang sa laban hanggat hindi makaganti." Worried niyang turan.

I gasped. "Edi sasabay nalang sa mga hirit niya. Pare-pareho lang naman pala sila ni Victor, eh. Punong puno sa sarili." Natatawa kong ani.

Naaninag ko naman ang mga mata niyang nanlalaki na animo'y amazed na amazed. "Nakasalamuha mo rin si Victor?!"

"Kilala mo siya?" I suddenly asked. She nodded and smiled.

"Sikat siya sa lugar namin dahil sa tindig at talino niya sa Agham at Musika. Rinig kong gwapo raw 'yon." Turan niya na animo'y sinasamba ito at hinahangaan.

I smirked (-__-). "Dito naman sikat siya sa pagiging hambog, punong puno sa sarili at higit sa lahat, walang respeto sa mga kababaihan." Daslok talaga ang kumag na 'yon.

"Mukhang napa-away kayong dalawa, ah." Natatawa pa niyang usal.

I pouted my lips. "He started it."

"Gwapo ba talaga si Victor? Ang sabi sabi do'n sa'min makamandag at nakakasilaw daw ang lalaking 'yon."

"Tttss. Wag kang maniwala, baka nabudol ang mga chismosa kaya sila patay na patay sa Victor na 'yon. Gwapong gwapo sa sarili. Psh." Pero---iiihhh! May itsura naman talaga si Victor kaso pangit ugali niya, eh!

Napahagikgik naman siya ng tawa.

"Alam mo, you're the bravest and toughest woman I've ever seen. Ikaw lang ang kauna-unahang babaeng naglakas loob na harapin at hindi natinag kay Princess Mailah, and at the same time, ikaw lang ang babaeng nakilala kong walang pagnanasa kay Victor." She said in amusement. Si Victor?! Pagnanasaan ko?! N.E.V.E.R!

Hindi ako bulag no! Mas nakaka-attract pa rin yung lalaking maginoo at may asal!

Being handsome and cool doesn't pay the bill, dude! And it can't even raise your children!

But wait---(-___-). "Don't tell me, inlab ka sa timang na 'yon?!"

"Kakaiba kasi ang mga tao do'n sa lugar namin. Parang mahulog ka nalang ng hindi lingid sa iyong kaalaman dahil sa mga nakakakombinsing sabi-sabi nila." Kapangyarihan 'yan ng mga chismosa. Hayst!  (-__-)

"To tell you the truth, si Victor ang pinaka walang modong lalaki na nakilala ko." I said it by enunciating. But she just chuckled.

"Halata nga. Mukhang ayaw mo sa kaniya, eh." She said, almost a whisper and giggled.

Nakauwi kami sa bahay ng maayos. Mula sa daan ay naaninag namin si Kieno na nakatayo sa gilid ng malaking puno.

"Mukhang pinaghintay yata natin si Kien." She said, I can tell that she's worried.

"Wag kang mag-alala. Matigas sikmura niyan, I'm sure kahit isang araw pang nakatayo ang Asungot na 'yan diyan, hinding hindi mangangalay 'yan." I smiled at her as an assurance. Yumuko naman siya at pasimpleng ngumiti.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now