chapter 31

21 13 7
                                    

Alisa.

Umuwi na ang tatlong unggoy sa kanilang tahanan ng hindi man lang pinalitan yung mga suot nila. Ipapakita raw kasi nila sa lahat ng kapitbahay namin na isa na silang tanyag na scholar ng hari. Ang eengot talaga nila. Pppfftt hahaha.

"Ang mga kabataan talaga, iwan ba naman mga mais sa bakuran?" Natatawang sambit ni tatay habang nakamasid sa labas.

Napatingin naman ako kay Kieno na maayos na ang pagkatupi ng kaniyang uniporme at dahan dahan itong nilagay sa isang kahon na animo'y isang mahalang bagay iyon na hindi matutumbasan ng ginto.

Napangiti ako. Maliit na bagay para sa'kin ang ganito, hindi ko lubos maisip na isang napakalaking bagay na ito para sa kanila. Kung sabagay, nakukuha ko kasi kung ano ang gusto ko. Lahat lahat na ata meron ako, mapa ATM cards o credit cards, mapa kotse o mapa gadgets. Lahat ng iyon ay meron ako. Nakapanlumo lang dahil kabaliktaran ang buhay rito.

"Asungot, bukas na bukas ay papasok na kayo." Pag-imporma ko pa sa kaniya habang inaayos ang kaniyang boots.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti ng matamis. "Hhm. Salamat." Wika niya sabay tango at ipinagpatuloy ang ginawa.

"Sam, hija. Hali kana't kakain na tayo." Aya ni nanay habang inaayos ang mga pinggan sa lamesa.

Umiling naman ako. "Hindi po ako gutom, nay. Magpapahinga nalang po muna ako, napagod po kasi ako sa kakatakbo kanina." Nakangiti kong puna. Nagtataka namang lumingon sa gawi ko si Kieno.

"Ipagtitimpla nalang kita ng kape, hija." Suhestyon pa ni nanay.

"Wag na po, nay. Babangon nalang po ako mamaya kapag nagugutom ako." I said.

"Bakit ka napagod sa kakatakbo, Pusa?" Takang usal ni Kieno. (>__<) Pagod na ako kaka-explain.

"Oh sige na, hija. Sumibat kana sa iyong silid upang makapagpahinga, kapag nagugutom ka, bumaba ka lang dito sa kusina't magtitira lang kami ng pagkain para sa iyo." Ani nanay. Napatingin naman ako kay Kieno na ngayon ay naghihintay parin sa eksplenasyon ko. "Sige na, magpahinga kana. Ako na ang bahalang magpaliwanag dito kay Kieno. Hahaha sige na sige na, para makapagpahinga kana."

Ngumiti nalang ako saka tumango at sumibat na. Pagpasok ko sa aking silid ay agad kong minamasahe ang balikat ko. Ang bibigat kasi ng mga uniporme, tapos apat pa yung dala ko.

Masakit rin ang likod ko, tapos namamanhid pa ang mga paa ko. Hindi yata ako makakatulog nito dahil sa kirot.

Napabuga nalang ako ng hininga saka kinuha sa loob ng mahabang manggas ko ang pera. Nakangiti ko itong pinagmasdan saka nilagay sa isang maliit na lamesa na malapit sa bintana.

Gusto ko na talagang matulog pero gising pa talaga ispirito ko. (>_<) Ang sakit talaga ng buong katawan ko.

Naghanap ako ng pwedeng maaliwan dahil gising pa talaga ang diwa ko. Kaya napagpasiyahan kong buksan ang bintana at agad rin naman sinakop ang kabuuan ng kwarto ko sa pamamagitan ng ilaw ng malaking buwan.

Labas masok rin ang hangin mula sa bintana. Nakapangalumbaba akong nakatingin sa malawak at madilim na kalangitan. I remember when I was a kid, I studied the sky in all its panoramic splendor. It seemed endless, to be millions of miles in depth. There were so many stars up there, so very many. Stars I had never imagined ever existed that circling the luminescent moon.

As I look at the moon, my mind goes roaming. Till I live again the autumns that I knew long ago. Lord, kailan magiging maayos ang lahat? Kailan ako magkakaroon ng kasagutan kung bakit ako nandito? Kung sino ako? At kung ano ako sa lipunang ito?

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now