chapter 36

15 9 3
                                    

Punishment.

Ilang minuto kaming gano'n at halos tanong lang ng tanong ang kumag sa'kin ngunit hinayaan ko lang siya at hindi lang ako kumibo. Nakanguso kong pinagmasdan ang itsura ng pangalawang prinsepe ng North at South Hamgyong. Kahawig na kahawig niya si oppa V sa BTS. Ang pinagkaiba lang medyo may kapayatan ang isang 'to at parang machine gun ang bunganga! (>_<)

"Keylan ka ba magsasalita?! Ha?! Alam mo bang masama'ng pinagod ang mga gwapong prinsepe?!" (>_<)

(T__T)

Samantha, mag-isip ka ng paraan para makaalis kana! T^T Paano kapag ipakulong nila ako? Hindi na ako makakabalik kina nanay at tatay? Hindi ko na makikita sina Kieno at ang tatlong unggoy?

(0_0)

Alam ko na!

"G-gusto mo tulungan kitang maghanap ng usa?" Pilit na ngiti kong sambit. Huhuhu. Wala na akong ma-isip, eh. Tulog yata fairy ko.

Lumiwanag naman agad ang mukha niya saka parang bata na lumapit sa'kin habang nakangiti. Para siyang bipolar! Mga sira talaga ang mga tao! "Talaga?! Tutulungan mo'ko?! Teka, marunong kaba?" Masaya niyang sambit.

Tumango naman ako at mas linakihan pa ang ngiti. "Oo naman, ako pa!" Punong puno sa sarili kong puna.

Hinawakan naman niya agad ang magkabilang balikat ko saka yinuyogyog! (>_<)

"Sinabi mo 'yan, ah! Old Kim! Hahaha! May kaibigan na ako!" Napalunok ako ng ilang beses at nagsitinginan naman ang mga tauhan ni Lord Kyle. "Tara na!" Aya niya pa sakin.

Nagtaka naman siya kung bakit hindi ako sumunod kaya binalingan niya ulit ako ng tingin. Pinakita ko naman ang kamay kong tinalian ng lubid, agad niya akong nilapitan saka tinanggal ang lubid sa kamay ko.

"Ayan! Tayo na!" Nakangiti niyang sambit.

Tinignan ko ang mga tauhan niya at mukhang naguguluhan pa sila sa mga nangyari. (>_<) Kahit nga ako, naguguluhan din. Itutuloy ko pa kaya ang planong pagtakas? Nakokonsensiya ako, eh.

Kahit may pag-aalinlangan ay sumunod parin ako. Nagsimula kaming naglalakad at hindi ko alam kung saan siya patungo. Sumunod naman ang ibang tauhan niya at si Old Kim sa'min.

Napasinghap naman ako ng biglang huminto si Lord Kyle at tumingin sakin. (>_<)

*lunok

Nagbago kaya isip niya? Ipapakulong niya na ba ako?

"Ano nga pala pangalan mo?" (0_0) Taka niyang tanong.

I sighed in relief. "Samantha." Nakangiti kong sagot. Ngumiti rin naman siya at pinagpatuloy ang paglalakad. Ewan ko kung lakad paba ang tawag sa ginawa niya dahil may patalon-talon siyang ginawa.

"Ako naman si Lee Kyle Anciano!" Masaya niya pang pagpapakilala.

"I-ikinagagalak kong makilala kayo, Lord Ky--"

"Stop! Kyle nalang ang itawag mo sa'kin, total magkaibigan naman tayo, eh! Diba, Tham?" Napa-angat naman ang kaliwang kilay ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.

"Tham? H-hindi mo ba kayang ipronounce yung Sam? Dapat kasi Sam, hindi Tham." Nalilito kong ani. (>_<) Tsaka, magkaibigan agad kami?

"'Yon ang gusto kong tawag sa 'yo, eh." Nguso niyang turan.

Magrereklamo na sana ulit ako nang may biglang nagsilabasan na mga tao na nakasakay sa kabayo. Natinag naman ako ng mapansing walang pumo-protektang tauhan kay Lord Kyle! Paano kapag mga assassins ang mga ito?! Tapos balak nilang patayin si Lord Kyle?! Tapos magkakagulo dito sa gubat! Edi damay ako?!

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now