chapter 49

23 7 9
                                    

Jealous.

"Prince Gav! Try to taste this one!"

Napako ang mga mata ko sa dalawang pamilyar na tao na nasa di kalayuan.

Napagitla ako ng mapagtantong may kakaibang haplos na sumilay sa puso ko ng maaninag ko si Gorilla.

Bakit ba ganito palagi ang mararamdaman ko kapag makita ko siya?

Anong klaseng sakit ito?

Bibilis nalang kasi bigla ang tibok ng puso ko. Lumulukso rin na parang alon ang dugo ko. Parang pakiramdam ko matataranta ako, tapos hindi ko pa alam kung ano ang dapat gawin.

"Pusa," I was a little shocked when someone muttered, then I  abruptly recalled whom I was with.

"S-sorry. Ano pala yung sinabi mo kanina?" I tried my best na wag ma stutter.

Nakalimutan ko kasing ka-usap ko pala si Kieno.

(>_<)

"P-Pusa, kasi--"

"Delicious?!" Hindi ko tuloy maiwasang hindi sulyapan sina Princess Yanaez at Gorilla na ngayon ay halatang masayang tumitikim ng mga pagkain sa bawat tindahang tinatapak nila.

Nanlulumo ako. Bakit paiba-iba ang nararamdaman ko? Hindi ko ma-gets kung ano talaga ang meron sakin at naging ganito ako. Yung tipong may mumunting kirot sa kaloob-looban ko sa tuwing makita ko silang magkasama.

"P-Pusa, a-are you jealous?" My eyebrows furrowed a bit.

Taka kong binalingan ng tingin si Kieno. Nasaan na naman kaya utak nito? "Asungot, Samantha pangalan ko. Hindi mo na ako kilala?" N-nagka-amnesia kaya siya?! "Asungot, kung nagloko ka wag mo akong idamay, ah! Ang layo kaya ng Jealous sa Samantha!" Di mapigilang hasik ko.

Pano kung--may saltik nga siya?! Hala! Dapat malaman to nina nanay!

"Pusa," oh, timang to ah! Seseryuso nalang bigla!

Hindi na tama ang daloy ng cells ng mokong na ito!

He inhaled deeply, forehead creases, brows furrowed. I felt a little shaggy when he smiled helplessly before staring at my eyes. I couldn't move when I saw the sadness lingering in his deep brown eyes. It was like the pain had numbed his heart and senses...and I wasn't be able to uttered even a single word when he slowly looked somewhere.

"Y-You're jealous."

"A-asungot, ano ba ang pinagsasabi mo?" Ang totoo, hindi ko talaga siya gets.

Bakit ganoon ang mga mata niya? Mga matang halatang nasasaktan.

May nangyari kaya sa kanilang dalawa ni Nikka?

"Nagseselos ka, Pusa." Seryusong aniya sabay tingin kina Gorilla at Princess Yanaez.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maintindihan ko ang pilit ipinahiwatig niya.

N-nagseselos ba talaga ako? Kaya ako nakaramdam ng ganito? Pero bakit?

"B-bakit naman ako magseselos?" Ani ko sa tonong pilit tinatago ang kaba.

Tinignan niya ulit ako sa mata. "Kasi iniibig mo siya."

I was totally stiffened.

Kasi iniibig mo siya.

Kasi iniibig mo siya.

Tila isang sirang plaka ang utak ko dahil ume-echo parin sakin ang mga katagang 'yon.

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now