chapter 38

14 7 0
                                    

Angelic voice.

"Balensyano, nasa'n nga pala ang palasyo ng mga scholars rito?" Gusto ko kasing makita si Nikka. Hindi rin kasi kami nagkita noong gathering para sa asembleya, at mukhang busy siya kaya hindi siya makakadalaw sa bahay. At kung dadalaw naman siya sa bahay, hindi ko parin siya makikita, nakadikit ako sa parusang ipinaratang sakin, eh.

"B-balensyano?" Taka niyang puna. Papunta na kami sa kwadra ng mga kabayo dito sa palasyo. Hindi ko narin naaninag si Laiterang Princess Mailah. Tch!

"Balensyano, kahawig ng pangalan mong Anciano." Sabi ko. Sinapak naman niya agad ang likod ko kaya napa-ubo ako! Tangek to ah! Wenga!

Lungs, kapit lang.

"Gusto ko 'yan! Hahaha! Ang unique!" Masaya niyang hasik sabay sapak ulit. (T_T)

Ikakamatay ko talaga ang kumag na 'to. (>_<)

"Balensyano! Balensyano! Ayos din, Tham!" Sasapakin niya sana ako ulit ngunit pinandilatan ko na siya ng mata. Napahiya naman siyang tumawa pero ipinagpatuloy parin ang pagsapak sa likod ko. (>_<)

Pisting Kumag! Sinakop ko ang kaniyang leeg gamit ang kanan kong braso. Imbis na mainis siya sa ginawa ko'y tumawa lang ng malakas ang loko!

"Nakakakiliti ang buhok mo, Tham!" Ngising aniya.

"Ah, ganun!" Hasik ko rin saka kumuha ng ilang hibla sa mahaba kong buhok at ginamit iyon para kilitiin ang leeg at tenga niya.

"Waaahhh! Tham! Tama na! Wahahahahhahaha! Aw! Aw! Hahahahah!" Hindi pa rin ako tumigil sa kakakiliti sa kaniya habang ininda at binabagtas namin ang daan. Nahirapan akong humakbang dahil ang likot likot ni Balensyano, nakaipit parin ang kaniyang leeg sa braso ko.

"Tham! Pppffftt wahahahahah!" Hasik niya ulit. Napasabay narin ako ng tawa dahil nagsho-showering na ang laway niya sa kakatawa.

"Ttss." Napatigil kami dahil sa familiar na ahas.

Napatingin ako sa harap at napagtanto kong nasa harap na kami ng kwadra ng mga kabayo. Masama ang titig samin ni Gorilla. Binitawan ko naman si Balensyano at sinapak pa ako nito ng isang beses. (>_<)

Patay talaga sa'kin to mamaya!

Naaninag ko rin si Princess Yanaez sa bandang gilid ni Gorilla. Hindi ko alam kung ganiyan ba talaga ang paraan ng pagkatitig niya sa mga tao o sa'kin lang. Parang may tinatagong inis na ewan.

"Let's go." Deklara pa ni Gorilla saka pinalabas ang kaniyang kabay--waaahhhh si BABYYY! Ngayon ko lang ata napansin si Baby!

Paglabas ni baby galing sa kwadra ay agad itong lumapit sa'kin na ikinagulat ng lahat saka idinampi ang noo nito sa noo ko. Napangiti naman ako kaya sinasapo ko ang kaniyang leeg na may mahaba at malambot na buhok.

"Baby." Mahinang halinghing ko.

"Mukhang napaamo mo ang pinaka-maarte at pinakamaldito na kabayo ni hyung, ah." Lapit pa sakin ni Balensyano dahilan para lingunin ito ni Baby saka padabog na umalis at tumungo sa gawi ni Gorilla. (>_<)

Panira talaga ng moment tong si Balensyano! Eh hindi niya pa nga sinagot ang tanong ko kanina, eh!

"Dongsaeng, let's go." Tawag ulit ni Gorilla.

Nakangiti namang lumingon sa gawi nila itong si Balensyano. "Ne, hyung." Tugon nito saka sumampa sa likod ni Luciosuno.

(0_0) Teka, saan naman ako sasakay?

My Absolute Freedom (UNDER RIVISION) ✔Where stories live. Discover now