Chapter III

11.3K 865 76
                                    

Chapter III: Good Seedlings

Sinisilip ngayon ni Finn Doria ang loob ng kanyang soulforce coil. Punong-puno ito ng mga bituin at sa kabuuan, ang loob ng kanyang soulforce coil ay napakaganda at napakalawak.

Sa totoo nga niyan, ang kalmado niyang enerhiya ay maliit na espasyo lang ang inuukupa. Ibig sabihin, napakalawak pa ng kanyang potensyal bilang isang adventurer.

Sa kasalukuyan, nakatitig ang binata sa mga naglalakihang bituin, lalong-lalo na sa bituin na nagliliwanag. Humahangang pinagmamasdan ng binata ang bituin at para bang nalulunod siya sa kagandahan nito.

Pagkalipas nang ilang sandali, muling pumikit ang binata. Bumalik siya sa realidad at muling tumambad sa kanya ang tahimik at malawak na damuhan sa loob ng Myriad World Mirror.

"Ayon kay Munting Black, ang kapangyarihan ng mga bituin na yun ang aking namana sa aking mga magulang. Nagmula kaya iyon sa aking totoong ama o sa aking totoong ina? Nararamdaman ko ang marlikang kalidad ng enerhiya na nagmumula sa kumikinang na bituin... gaano kaya kalakas ang aking totoong ama't ina?" buntong hiningang tanong ng binata sa kanyang sarili. "Kung nagmula sila sa mataas na mundo, siguradong malakas sila... bakit kaya kailangan pa nilang selyahan ang totoo kong kapangyarihan..? Bakit kaya nila ako ipinatapon sa mundong ito? Dahil ba nalaman nilang mababa ang aking talento kumpara sa mga adventurers sa Divine Realm?"

Punong-puno ng bakit ang binata ngayon. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit hindi niya man lamang nakilala ang totoo niyang mga magulang. Tinatanong niya rin ang kanyang sarili kung nangungilila rin ba ang mga ito sa kanya gaya nang sobrang pangungulila ni Creed sa totoong anak nitong si Yuros.

"Gayunpaman, sa lahat ng tanong kong ito, masaya pa rin ako dahil napunta ako sa kinabibilangan kong angkan ngayon, sa aking mapagmahal na pamilya... hindi ko man sila tunay na kadugo, itinrato at tinanggap naman nila ako bilang isang pamilya," pagpapakalma ng binata sa kanyang sarili.

Kahit na pinapakalma niya ang kanyang sarili, hindi pa rin maalis sa isip ni Finn Doria ang hinihiling ni Creed kanina sa kanya. Nais nitong makita muli ang bangkay ng anak nitong si Yuros.

Gustong pagbigyan ng binata ang hiling na ito ni Creed pero hindi niya rin alam kung paano. Hindi niya alam kung paano makikita at makakausap ang misteryosong adventurer na nakasuot ng ginintuang maskara.

Sa ngayon, nais niya ring makita't makilala ang misteryosong adventurer na nagdala sa kanya sa Azure Wood Family. Siya lang, maliban sa kanyang totoong magulang ang makapaglilinaw sa kanyang totoong pagkatao.

"Totoo kaya ang sinabi nang misteryosong adventurer na 'yon na lagi lang siyang nakamasid...? Kung totoo, bakit hindi siya nagpapakita noong mga oras na nasa panganib ang buhay ko? Bakit hindi siya tumutulong kung talaga ngang nakamasid lang siya?" muling tanong ng binata sa kanyang sarili. Bumuntong hininga si Finn Doria at tumayo na, "Marahil wala na siya sa mundong ito... marahil bumalik na siya sa aking mga magulang..."

Habang malalim na nag-iisip, hindi namalayan ng binata na palapit na pala si Eon sa kanya. Nagmumula ito sa kanyang likuran at mapapansin na naman ang karaniwan nitong malapad na ngiti.

Tumabi si Eon kay Finn Doria at nakangiting pinagmasdan ang kanyang master. Napabalikwas naman ang binata at napabaling kay Eon.

"Anong iniisip mo, master? Nararamdaman kong magulo ang isip mo," sambit ni Eon.

Sandaling natahimik ang binata at marahang umiling, "Sa lakas mo, sigurado naman ako na matalas ang iyong pakiramdam at pandinig. Narinig mo naman marahil ang mga sinasabi ko, hindi ba?"

Napakamot na lang sa ulo si Eon at naiilang na tumango. Para sa gaya niyang Heavenly Lord Rank, madali lang marinig ang mga sinasabi ng iba kahit pa nasa ilandaang kilometro ang layo nito sa kanya. Pero, syempre, kung kusa niya itong pakikinggan. Maaari niya namang ibalik lang sa normal ang kanyang pandinig, pang-amoy o pakiramdam. Isa itong paraan para hindi siya makarinig, makaamoy o makaramdam ng kung ano-ano.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα