Chapter XLVI

7.7K 860 105
                                    

Chapter XLVI: Interception

Nakaharap ngayon si Finn Doria kina Zed at Grey habang ang kanyang braso ay nasa anyo ng patalim. Medyo malalim na rin ang kanyang paghinga, senyales na pagod na siya sa pakikipaglaban sa dalawa. Napakadungis na ng kanyang suot; maraming sira, hiwa at sunog. Kapansin-pansin din ang pasa, sugat at mga galos sa kanyang katawan habang ang kanyang buhok ay napakagulo.

Pero kumpara sa dalawang nasa harapan niya, ang kanyang hitsura ay 'di hamak na mas maayos pang tingnan.

"H'wag na kayong magpumilit pa, hindi kayo mananalo sa akin," nakasimangot na sabi ni Finn Doria.

Suminghal si Zed at nagmamatigas na nagsalita, "Kung sumingit ka sa laban namin noong hindi pa kami pagod, sa tingin mo ba ay magagawa mo kaming malabanan nang sabay?"

"Marahil nakapatay ka ng Ninth Grade Vicious Beast. Pero sinuwerte ka lang, kaibigang Finn," dagdag pa ni Zed habang mahigpit na hawak ang kanyang sibat.

"Tama si Zed. Kung hindi ka sumingit sa tensyonado naming laban, hindi ka sana makakalamang sa amin," naiinis din na komento ni Grey.

Minamaliit na tiningnan ni Finn Doria ang dalawa. Tumayo siya ng ayos at ibinalik sa dati ang kanyang mga braso. Nanghahamak siyang ngumiti at marahang nagsalita, "Paano niyo nasasabing lamang ako sa inyo? Gumagamit kayo ng armament habang ako ay skill lang ang ginagamit ko."

"Pero, sige," pagpapatuloy na sambit ni Finn Doria habang nakangiti. "Uminom na kayo ng recovery pills para patas na tayo. Tatayo lang ako rito at maghihintay sa inyong paggaling. Kapag hindi na kayo pagod, sumugod lang kayo kahit kailan niyo man gustuhin. Lagi akong handa."

Nainsulto ang dalawa at namula dahil sa inis. Pakiramdam nila ay iniinsulto sila ni Finn Doria kaya naman bumakat ang ugat sa kanilang sintido. Mas humigpit ang hawak nila sa kanilang sandata at ilang saglit pa sabay silang sumigaw at sumugod kay Finn Doria.

"Finn Doria!"

Water Sage Art: Water Blade

"Sugod lang! Kahit magtulong pa kayo," matapang na sigaw ni Finn Doria.

Alerto si Finn Doria kaya naman nagawa niya agad na ibalik sa pagiging patalim ang dalawa niyang braso. Hindi siya natatakot sa dalawa dahil unang-una, pagod ang mga ito dahil kagagaling lang ng dalawang ito sa tensyonadong laban.

Pero, hindi pa rin siya makakuha ng malaking lamang dahil ang dalawa ay may gamit na sandatang armament.

Isa pa, ang dalawa ay hindi ordinaryong 6th Level Legend Rank at 7th Level Legend Rank habang siya ay 1st Level Legend Rank lang. Pagod lang ang dalawa pero ang kalidad ng kanilang enerhiya ay kapangi-pangilabot pa rin.

Kung sakaling hahamunin ni Finn Doria ang kahit isa sa dalawa sa isang patas na laban, maaaring manalo siya, pero malaki ang posibilidad na hindi at maging tabla lang ang resulta ng laban.

Agad na sinalag ni Finn Doria ang pagsaksak ni Zed ng sibat nito patungo sa kanya. Pagkatapos noon, sinipa niya naman si Zed sa sikmura na naging dahilan ng pagtilapon nito.

Napatalsik niya si Zed pero nakaamba na ang atake ni Grey sa kanya. Ihahampas nito ang scythe sa kanya kaya naman agad siyang umatras palayo. Nahagip siya ng puwersa kaya naman nagkaroon na naman ng hiwa sa kanyang balikat. Tumulo ang dugo mula rito pero hindi ito ininda ng binata.

Huminga siya ng malalim at inipon ang enerhiya at hangin sa kanyang dayapragm. Pagkatapos ng ilang segundong paghahanda, agad niyang pinakawalan ang malakas na atungal ng dragon.

HEAVENLY DRAGON ROAR!

ROAR!!!

Namuo ang asul na ilusyon ng dragon at sinugod nito si Grey. Nanlaki ang mata ni Grey. Nasaksihan niya na kung gaano kalakas ang atakeng ito kaya naman kailangan niya itong salagin kung ayaw niyang mapinsala ng malubha.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now