Chapter XV

9.8K 721 66
                                    

Chapter XV: Imminent Danger

Malinaw na narinig ni Finn Doria ang tinig sa utak niya, at sa totoo lang, hindi siya natutuwa ngayon. Mababakas sa kanyang mukha ang matinding inis habang nakatayo lamang doon nang walang kibo. Sobra siyang napasimangot dahil hindi niya nagugustuhan ang patuloy na pagtawag ni munting Black sa kanya bilang hangal. Malinaw naman na ito ang may kailangan sa kanya pero pakiramdam niya ay nagiging manika siya nito. Gusto niya sanang hindi pansinin ang munting nilalang sa pag-uutos nito s kanya pero dahil mas pinairal niya kung ano ang makabubuti sa lahat, at dahil naalala niyang tinulungan din siya ng munting nilalang tungkol sa dambuhalang ahas, napagdesisyunan niyang maghanap pa ng tagong lugar kung saan maaari niyang buksan ang Myriad World Mirror.

Sa kabilang banda, napansin at napakiramdaman ni Ashe na hindi nakasunod sa kanya si Finn Doria. Napakunot-noo lang siya pero hindi niya na inusisa kung bakit hindi ito sumunod sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at agad niyang hinanap ang kinaroroonan ng kanyang mga magulang. Pagkatapos lang ng ilang saglit, natagpuan ni Ashe ang kanyang ina pero wala na sina Noah, Kiden, Marcus at Siryu sa tabi nito. Kasalukuyan ding nagmamasid si Vella sa mga Adventurers na nasa kanilang paligid at hindi niya napansin ang presensya ni Ashe na unti-unting lumalapit sa kanya.

Pagkalapit na pagkalapit ni Ashe kay Vella, agad itong magalang na nagsalita, "Ina."

"Hm?" napakunot-noo si Vella nang makita niya si Ashe. Nakatingin siya sa kanyang anak na tila ba nagtataka, "Oh anak, asan ang iyong mga kaibigan? Akala namin ay nagkukwentuhan kayong walo? Bakit hindi niyo sinusulit ang muli niyong pagkikita-kita?"

Ngumiti si Ashe sa kanyang ina at magalang na tumugon, "Gusto nila nang kaunting kasiyahan kaya nais nilang sumali sa inihandang paligsahan ng Craftsman Alliance. Nais nilang subukan ang kani-kanilang lakas sa isa't isa."

"Bakit hindi ka sumali sa kanila? Dapat kang magsaya sa lugar na ito, lalo na't napupuno ang lugar na ito ng maiimpluwensya at malalakas na mga Adventurers," sabi ni Vella. "Tungkol naman saming mga nanggaling sa nakaraang henerasyon, hindi kami makakasali dahil hindi maikukumpara ang henerasyon namin sa inyong henerasyon."

"Kahit na gustuhin ko mang sumali ina, hindi maaari," tugon ni Ashe. "Gusto kong makipaglaban at hindi sa pagmamayabang pero hindi ko alam kung mayroon akong makakalaban na kasing antas ko..."

Hindi pa man natatapos ni Ashe ang kanyang sinasabi, agad siyang napatigil dahil mayro'ng sumagi sa kanyang isip. Mayroong tatlong pigura ng Adventurers ang pumasok sa kanyang utak.

--

Kasalukuyang nasa tagong eskinita si Finn Doria. Kaharap niya ngayon si Munting Black na kasalukuyang nakapikit na para bang mayroong pinakikiramdaman. Mababakas ang simangot sa binata habang nakatingin sa munting nilalang at ilang sandali pa, bigla na lamang lumitaw si Eon at ang kanyang mga magulang sa tabi ng binata.

Hindi na nagulat ang binata sa biglang paglitaw ng mag-anak ni Eon. Nasanay na siyang bigla na lamang lumilitaw ang mga ito na para bang kabute. Ang ikinabigla ng binata ay ang biglang pagmulat ni Munting Black.

"Makakaalis ka na. Gusto kong makausap sina Eon nang kami-kami lamang," malamig na utos ni Munting Black.

Nang marinig at maunawaan ng binata ang sinabi ni Munting Black, lalong lumala ang kanyang simangot at matalim na tiningnan ang munting nilalang. Ibinuka niya ang kanyang bibig at pinagdiinang sinabing, "Walang utang na loob."

Hindi pinansin ni Munting Black ang sinabi ng binata. Nagbingi-bingihan ito at taimtim lang na tumingin kina Eon, Leonel at Loen.

Tahimik lang naman sina Eon, Leonel at Loen. Hindi sila nagsasalita at mapapansin ang komplikadong ekspresyon sa kanilang mala-lobong mga mata. Wala silang kitatakutan at awa sa iba. Ang tanging kinatatakutan lang nila ay si Munting Black at ang kanilang master, si Finn Doria.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now