Chapter LII

7.2K 936 182
                                    

Chapter LII: Absurd

"Mukhang mas matalim pa ang dila mo kaysa sa mga patalim ko," kalmadong hayag ng lalaki. "Rare Armaments lang ang mga iyon at may marka ko. Naging ordinaryong patalim nalang sa kamay mo ang mga armaments pero nagawa mo pa ring makapatay ng tatlong 2nd Level Legend Rank. Kahanga-hanga."

"Hindi mo naman nasabi na may eksperto pala sa grupong ito, Wen," seryosong sabi ng lalaki habang nakatingin pa rin kay Finn Doria na kasalukuyang nababalutan pa rin ng mahinang ipo-ipo.

"Paano ko malalaman? Isa lang siyang 1st Level Legend Rank... Hindi ko alam na hindi pala siya pangkaraniwan," malamig na tugon ni Wen. "Ngayon, magsalita ka. Tutulungan mo pa rin ba ako, Geron? Naibigay ko na sayo ang paunang bayad, h'wag mong sabihing aatras ka dahil lang sa kakaibang 1st Level Legend Rank na iyan."

"Hindi ako kasing duwag mo. Pinatay niya ang tatlo sa tauhan ko kaya hindi naman ako papayag na makaalis siya rito ng buhay. Pero.." ngumisi ang lalaking nagngangalang Geron at muling nagpatuloy, "Kailangan mong dagdagan ng sampung libong rowano ang bayad mo."

"Hmph. Nahulaan kong sasabihin mo iyan." Suminghal si Wen. Matalim siyang tumingin kay Oyo at malamig nagsalita, "Tapusin na agad natin ito. Tandaan mo. Akin ang lahat ng pag-aari nila."

"Walang problema. Ipaubaya mo na sa akin ang binatang ito. Mukhang hindi lang siya kasing simple ng kanyang antas at ranggo," kibit-balikat na sabi ni Geron.

"Gawin mo ang gusto mo."

Pagkatapos sabihin ito ni Wen, sinugod niya si Oyo dala-dala ang kanyang espada. Inihampas niya ang kanyang espada kay Oyo pero nagawa itong salagin ni Oyo gamit din ang kanyang dalawang espada.

CLANG!!

Tunog ng nagbabanggang mga bakal ang maririnig ng mga naroroon. Nang makita nina Eduardo na inaatake ni Wen si Oyo, agad silang kumilos at tutulungan na sana nila si Oyo.

Pero, hinarang at sinugod sila ng mga adventurers na kasama nina Wen at Geron.

Nagkaroon ng gulo sa bahaging iyon ng kagubatan. Sunod-sunod na pagsabog at pagsigaw ang maririnig habang ang lahat, maliban kina Finn Doria at Geron ay abala sa pakikipaglaban.

Nagkalat ang nagliliyab na mga apoy sa lupa. Mayroon ding maliliit na bangin habang mamasa-masa na rin ang paligid dahil sa pagpapalitan ng atake ng magkabilang panig.

Ngumiti si Geron kay Finn Doria. Naglabas siya ng dalawang patalim sa magkabila niyang kamay at pinaglaruan ito habang nakatingin sa mga mata ng binata.

Parehong top-tier Excellent Armament ang dalawang patalim ni Geron, at hindi ito ordinaryong top-tier Excellent Armament lamang.

"Bata. Hindi tayo magkaaway at hindi rin tayo magkakilala, gayunman, ipagpaumanhin mo kung kakailanganin kong paslangin ka," makahulugang sabi ni Geron. Sumugod siya kay Finn Doria at nakangising nagpatuloy, "Ito ang trabaho ko; ang magnakaw at pumatay ng kapwa ko mga Rogue Adventurers."

WHOOSH!

"Bago kita paslangin, maaari bang sabihin mo muna sa akin ang iyong pangalan, bata?"

Pinagmasdan lang ni Finn Doria ang pasugod na si Geron. Kalmado ang kanyang ekspresyon. Walang mababakas na pangamba sa kanyang mukha noong siya ay tumugon, "Ang pangalan ko ay Finn. Tandaan mo ang pangalan ko dahil ako na ang tatapos sa trabaho mo."

"Hmph. Masyadong mataas na kumpyansa sa sarili ang maghahatid sa iyo sa huling hantungan," singhal na sambit ni Geron.

Nang makarating si Geron sa harap ni Finn Doria, sunod-sunod niyang iwinasiwas at isinaksak ang kanyang hawak na mga patalim. Madali itong naiiwasan ng binata dahil sa kanyang tinataglay na bilis.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now