Chapter XCIV

7.8K 794 67
                                    

Chapter XCIV: Seeing them again, Wingman

“Divine Beast King…? Mayroon kang awra ng lahi ng mga dragon pero masyado kang mahina. Isa pa, ang bayaning Divine Beast King kasama ang kanyang magiting na katuwang ay matagal nang namatay,” seryosong sabi ni Dayang sa isip ni Munting Black. Bakas din sa kanyang tono ng pananalita na hindi siya lubusang naniniwala sa sinasabi ni Munting Black. “Tungkol naman sa iyo, kasama ka ng binatang iyon at hindi ko alam ang iyong orihinal na sadya sa akin.”

Kung malalaman lang ni Finn Doria ang usapan nina Munting Black at Dayang, siguradong magugulat siya sa totoong pagkatao ni Munting Black. May hinala na siyang isang Divine Beast si Munting Black, ganoon pa man, hindi niya naisip na isang dragon ito dahil sa kakaiba nitong hitsura.

Tama. Isang dragon si Munting Black, at hindi lang siya basta ordinaryong dragon dahil siya ang hari ng mga Divine Beast—hindi lang hari ng mga lahi ng dragon.

At noong henerasyon niya, isa siya sa pinakamalakas na emperor sa labing dalawang emperor sa Divine Realm.

“Alam kong hindi madaling paniwalaan ang aking mga sinasabi, ganoon pa man, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang lahat,” taimtim na tugon ni Munting Black. Iminulat niya na ang kanyang mga mata at marahang nagsalita muli sa kanyang isip, “Papasukin mo ako, at kung may utang na loob ang henerasyong ito sa henerasyon pinagmulan ko, hahayaan mo akong ipaliwanag ang lahat ng nais kong iparating sa iyo.”

Sandaling natahimik si Dayang; malinaw na nag-aalinlangan at nag-iisip pa siya tungkol sa mga sinasabi ni Munting Black.

Sa totoo lang, hindi takot si Dayang kay Munting Black dahil ramdam niya naman na mahina ito kumpara sa kanya, ganoon pa man, nag-iingat lang siya sa maraming posibilidad dahil unang-una, isang Divine Beast si Munting Black—at hindi maganda ang relasyon ni Dayang sa mga Divine Beasts o kahit alinman sa puwersang namumuno sa Divine Realm.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, narinig ni Munting Black ang pagbuntong-hininga ni Dayang kasabay ng dahan-dahang pagbubukas ng pinto.

Muling naglabas ng liwanag ang pintuan, pero, hindi nasilaw si Munting Black. Taimtim lang siyang tumingin sa liwanag at hindi nagtagal, pumasok na rin siya rito.

Agad na sumarado ang pinto, at muling nabalutan ng makapal na puting usok ang buong paligid.

Huminto sa paglutang si Munting Black sa harap nina Dayang at Malina. Tama, nasa kubo rin si Malina katabi si Dayang. Pinagmasdan naman ni Munting Black ang kabuuan nina Dayang at Malina. Tahimik lang siya, at hindi siya agad nagsalita habang ang kanyang mga mata ay nakatupn lamang sa naggagandahang mga mata ni Dayang.

Dahan-dahang inihilig ni Malina ang ulo niya upang sulyapan si Dayang. Malumanay ang kanyang ekspresyon at walang makikitang kahit anong emosyon sa kanyang puting mga mata.

“Kailangan mo pa ba ang aking presensya, kaibigan?” malumanay na tanong ni Malina kay Dayang.

Hindi agad sumagot si Dayang. Ilang segundo siyang nag-isip pero hindi nagtagal, bahagya siyang umiling at marahang tumugon habang nakatitig kay Malina. “Kaya ko na ito, kaibigan. Hayaan mong ako na ang makipag-usap sa ating panauhin.”

Bahagyang tumango si Malina bilang tugon kay Dayang. Sinulyapan niya muna si Munting Black at hindi nagtagal, ang katawan ni Malina ay unti-unting naging puting usok hanggang sa tuluyan siyang maglaho.

Naiwan ang dalawa ni Dayang at Munting Black sa simple ngunit napaka-maaliwalas na loob ng kubo.

Nakatitig si Munting Black sa lugar kung saan naroroon kanina si Malina. Mapapansin sa kanyang mga mata na malalim siyang nag-iisip dahil wala kay Dayang ang kanyang atensyon.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now