Chapter LXXVI

7.3K 958 88
                                    

Chapter LXXVI: Generosity

Sa isang tahimik at maliit na silid sa palasyo parin, abala si Finn Doria sa pagsusulat ng mga panimula, hakbang at paalala sa isang blankong aklat. Nakatapos na siya ng tatlo at ang kasalukuyan niyang isinusulat ay ang ika-apat na Foundation Art. Tapos niya na ang Foundation Art na ini-a-alok niya kay Eregor, pero, gumagawa pa siya ng marami para gawing reserba at para na rin sa kanyang mga kakilala—sa Dark Crow.

Ang ginagamit niya ngayon ay mga kagamitan na galing pa mismo kay Eregor. Magaganda ang kalidad ng mga ito kay kahit mababad ito sa ordinaryong apoy, tubig at asido ay hindi gano’n kadaling masisira o mabubura ang mga salitang nakasulat sa libro.

Kalmado lang si Finn Doria habang nagsusulat. Mabilis ang kanyang kamay at mabilis din ang paglipat niya sa sunod na pahina. Hindi lang siya nagsusulat ng mga letra, inilalarawan niya rin ang tamang posisyon at tamang paggamit ng enerhiya sa tuwing gagamit ng skill. Mas pinadadali niya na maintindihan ang mga kamangha-manghang Foundation Art na ito.

Higit pa roon, gumagawa ang binata ng iba’t ibang uri ng Foundation Arts para sa iba’t ibang lahi at sa iba’t ibang elemento. Balak niyang gumawa ng dose-dosena at kaya niya itong gawin sa loob lamang ng ilang oras dahil sa kanyang bilis sa pagsusulat at paglalarawan.

Isa pa, galing ito sa systen at alaala ni Kurt kaya naman hindi na nahihirapan pa si Finn Doria sa pagsusulat at paglalarawan. Para lang siyang komokopya mula sa orihinal na libro, ang pinagkaiba nga lang, sa utak niya nagmumula ang kanyang kinokopya.

Sa kabilang banda, habang si Finn Doria ay abala sa pagsusulat sa mga libro, kasalukuyan namang masinsinang nag-uusap si Eregor at Zigar. Seryoso ang kanilang ekspresyon at sa totoo lang, nakararamdam ang bawat isa sa kanila ng kaba.

“Kung gayon, ang iyong anak na si Crypt pala ay galing sa kabilang kontinente… kasama niya si Gin Rowan na prinsipeng tumalikod sa sarili niyang pamilya,” pabulong na sambit ni Eregor. “Kung hindi ako nagkakamali… hindi ba’t ang lalaking nagngangalang Gris ay nagmula sa Holy Church?”

Tumango si Zigar at marahang tumugon, “Ang lalaking nagngangalang Gris Mercier ay pinagtuunan ng atensyon dati ng Holy Church. Sa pagkakaalam ko, isa siyang mabuting pari noon pero hindi niya sinasang-ayunan ang pamamalakad ng Holy Church at ng imperial family. Ito ang nakuhang impormasyon ng ating espiya noon.”

“Sa kuwento ni Finn Doria, bukod kay Gin at Gris, mayroon pang prinsesa mula sa Underwater Kingdom. Kahanga-hanga na ang grupong iyon ay binubuo ng mga hindi pangkaraniwang adventurers… mayroon pang nagmula sa Demon Mountain,” seryosong dagdag na paliwanag ni Zigar.

Umiling si Eregor at bumuntong hininga. Iniisip niya ang layunin ng grupong Dark Crow at hindi niya mapigilan ang mapailing dahil dito.

“Masyado pa silang mahina. Kung sa tingin nila ay kakayanin nila ang Imperyo ng Rowan, nagkakamali sila. Isang 8th Level Heaven Rank lang ang kanilang pinuno, at imposibleng makaya nila ang imperyo—o kahit ang isang maliit na kaharian,” komento ni Eregor. “Bago pa nila tuluyang mapilayan ang imperyo, siguradong aabutin sila ng mahabang panahon.”

Sandaling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan ni Eregor at Zigar. At pagkatapos ng ilang minuto, muling nagsalita si Eregor, “Pero si Finn Doria… kung kasali ang kakaibang binata na iyon sa kanilang layunin, marahil magkakaroon ng malaking pagbabago.”

Binuksan muli ni Eregor ang maliit na baul. Kinuha niya ang pinakamataas na uri ng interspatial ring at sinubukan niyang alisin ang marka rito. Gayunpaman, gaya ng dati, wala siyang naramdaman. Nagmistulang ordinaryong singsing lang ang interspatial ring dahil hindi niya ito maramdaman at malagyan ng marka.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now