Chapter XCI

7.6K 923 85
                                    

Chapter XCI: Enchanted Mountain and the Mysterious Golden Deer

Dismayadong-dismayado si Finn Doria sa nangyari sa kanya. Hindi niya nakuha ang kailangan niyang manika at maging ang kanyang mga kayamanan ay nawala rin sa kanya. Bumaba pa ang kanyang antas dahil sa negatibong epekto ng miracle pill. Ganoon pa man, kahit na ganito ang nangyari sa kanya, hindi siya nawalan ng pag-asa. Nagpapasalamat pa rin siya dahil buhay siya.

Buhay siya at may kakayahan pa siyang maghiganti.

Maaari niyang mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Kahit mahirap na, maaari pa siyang makabuo ng mga Heaven Armaments. Ang kailangan niya lang ay sapat na materyales, sangkap at kagamitan.

Mababawi niya rin ang lakas niya gamit ang sapat na panahon. Maaaring abutin siya ng ilang taon pero wala na siyang pagpipilian.

Hindi magiging madali ang kanyang pagsasanay pero para sa kanyang hinahangad na pagbabago, magtitiis at magsisikap siya.

Pagkatapos niyang masusing pakiramdaman ang paligid, huminga ng malalim si Finn Doria at dahan-dahang tumayo. Isinantabi niya muna ang matindi niyang pagka-dismaya at itinuon niya muna ang kanyang atensyon sa kanyang kinaroroonan.

“Ang kagubatang ito ay may makapal at mayamang enerhiya kumpara sa manipis na natural na enerhiya na tinataglay ng planetang ito… halos kasing-kapal at kasing-yaman na ng natural na enerhiya rito ang natural na enerhiya sa loob ng Myriad World Mirrod…” pagpuri ni Finn Doria habang pinagmamasdan ang kakaibang mga puno sa kanyang paligid. “Nasaan ba talaga ako…? Ito pa rin ba ang planetang Accra?”

Dahan-dahang humakbang si Finn Doria. Naglakad siya patungo sa pinaka malapit na puno. Napansin niyang pamilyar ang mga naggagandahang puno rito kaya naman hindi niya mapigilan ang kanyang kuryusidad. Lumapit siya sa isang animo’y ordinaryong puno. Pinagmasdan at sinuri ang katawan nito. Inamoy niya rin ito at ilang saglit pa, nanlaki ang kanyang mga mata nang malaman niya kung anong uri ng puno ang nasa kanyang harapan.

“Ito ay isang Ancient Oakwood Tree! Isang mataas na kalidad ng materyales na may maraming paggagamitan! Isa ito sa pinakamahirap mahanap na puno sa larong nilalaro ni Ginoong Kurt!” gulat na gulat na sambit ni Finn Doria.

Nanabik ang ekspresiyon ni Finn Doria. Agad siyang lumingon sa paligid. Napansin niya rin ang iba pang mga puno at namangha siya nang malaman niyang matataas din ang kalidad ng mga ito.

Napatingin din siya sa mga damo, halaman at bulaklak. At nang mapagtanto niyang ang lahat ng nasa paligid niya ay kayamanan, halos magningning ang kanyang mga mata dahil sa tuwa.

Para na siyang nasa loob ng kanyang Myriad World Mirror dahil sa kayamanang nasa paligid niya!

Ganoon pa man, nang may sumagi sa isip ng binata, bigla siyang nanlumo. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Napayuko siya at napaupo sa lupa habang nakatitig sa ugat ng malaking puno sa kanyang harapan.

“May mga kayamanan sa aking paligid pero… paano ko naman kukuhanin ang mga ito…?” nanlulumong bulong ni Finn Doria. “Sa pagkakaalam ko, napakatibay ng ugat ng bawat puno, halaman o kahit damo na narito… Matataas ang kalidad ng mga ito habang ako… ako ay isa lamang hamak na 2nd Level Legend Rank.”

“Wala akong kapabilidad na makuha ang mga kayamanang nakahain sa aking harapan…”

Muling nanumbalik ang pagka-dismaya sa mukha ni Finn Doria. Napakaraming kayamanan ang nakahain sa kanya, ganoon pa man, hindi niya alam kung paano niya makukuha at mapapakinabangan ito sa kasalukuyan niyang antas.

Sandali pang nawala sa sarili si Finn Doria bago siya suminghal at marahas na tumayo. Tiningala niya ang puno ng Ancient Oakwood Tree at nakasimangot na nagsalita, “Hindi ako naniniwalang kahit isang dahon ay hindi ko kayang pitasin!”

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon