Chapter LXXXVII

7.1K 874 71
                                    

Sa mga hindi pa nakakabasa ng Chapter 86, i-refresh niyo wattpad ninyo o scroll ninyo pabalik bago ang chapter na ito. Pwede rin niyong buksan ang wattpad ninyo sa browser kasi hindi nag notif kahapon ng madaling araw ang wattpad. Hindi po ako pumapalya o papalya sa pag-a-update araw-araw kaya kayo nalang po ang magcheck kasi hindi ko kayo marereplyan isa-isa.

--

Chapter LXXXVII: Unfair Fight

Habang si Finn Doria ay kasalukuyang hinahabol ni Hugo, hanggang ngayon naman ay hindi pa rin nagpapatuloy ang subasta para sa susunod pambihirang kayamanan. Dalawa sa mahalagang panauhin ng Luxurious Auction House ay umalis na, at malinaw naman sa mga naiwan kung ano ang susunod na mangyayari.

Nanatili ang walong mahalagang panauhin sa kani-kanilang balkonahe. Mayroong nag-aalinlangan pero mayroon din namang desidido nang manatili sa Luxurious Auction House. Isa sa nag-aalinlangan ay si Jetro, gusto niyang sumunod upang masaksihan ang susunod na mangyayari pero masyadong mahalaga para sa kanya ang huling isusubasta ni Artena.

Hindi nagtagal, mayroong hindi makatiis mula sa mga panauhin na nasa baba. Ang ilan ay dali-daling umalis para sundan sina Hugo at Finn Doria upang saksihan ang maaaring mangyari.

Tumalikod na rin si Artena. Lumutang siya at nagtungo muli sa entablado habang sina Ran at Ren naman ay nakasunod sa kanya. Naiwan sa ika-sampung balkonahe si Ethyra na kasalukuyang nakayuko pa rin. Mahigpit ang hawak niya sa interspatial ring na ibinigay ni Finn Doria. Hindi niya agad ito minarkahan, bagkus, itinago niya lang ito sa kanyang bulsa.

Pagkatapos makabalik ni Artena sa entablado, nagsimula siyang magsalita at magpaliwanag na para bang walang nangyari. Nangalahati ang panauhin ngunit hindi ito nakaapekto sa kabuuan ng subasta. Sa huli, alam naman ng lahat na ang walong maiimpluwensiya lang din ang maglalaban para sa natitirang dalawang pambihirang kayamanan.

--

Nagpatuloy ang subasta, at nagpapatuloy rin ang paghabol ni Hugo kay Finn Doria.

Nakasimangot ngayon si Finn Doria dahil hindi niya inaasahang ganito kabilis si Hugo, ganoon pa man, hindi siya sobrang nangangamba dahil handa siya. Ang kanyang katawan ay napapalibutan ng berdeng enerhiya na may anyong hangin. Gumagamit siya ng enerhiya habang mabilis na lumilipad pero hindi niya pa rin ginagamit ang kanyang katangi-tanging skill na Tempest.

Hindi niya pa rin ito ginagamit dahil gagamitin niya lang ito kung sakaling kailangang-kailangan niya na.

“Insekto! Bakit ka tumatakbo?! Natatakot ka ba sa akin, sa Puppet King?!” sigaw ni Hugo na kasalukuyang may mahigit isang dosena ang layo kay Finn Doria.

Suminghal si Finn Doria sa kanyang narinig. Nasusuka siya sa titulo ni Hugo. Hindi niya matanggap na mayroong mangangahas na gumamit ng titulong iyon. Masyadong kumpiyansa si Hugo at gustong ipamukha iyon ni Finn Doria, ganoon pa man, hindi na siya nagsalita pa at itinabi na lang niya ang kanyang enerhiya para sa kanyang pagtakas.

“Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ako, insekto?! Kahit saang sulok ng kontinente ka tumakbo, hindi mo ako matatakasan, hangal!” nanggagalaiting sigaw muli ni Hugo. Ang kanyang mga ugat sa ulo ay bumabakat noong muli siyang magsalita, “Hindi mo dapat pinakialaman ang pag-aari ko! Ang akin ay akin lamang at walang kahit sino ang may karapatang umagaw nang manikang iyan sa akin!”

Sumimangot si Finn Doria. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya si Hugo kasama ang kanyang manika. Suminghal muli ang binata at malakas na sumigaw, “Kung ganoon, wala ka pa lang kinatatakutan, tanda?! Bakit hindi mo hamunin ang emperador ng laban?! Nakakasukang isipin na ang lakas ng kumpiyansa mo sa iyong sarili pero puro ka lang naman kahambugan!”

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon