Chapter XXXVIII

8.8K 893 131
                                    

Chapter XXXVIII: Appearance of the third curse and the Dark Continent

"Siguradong malaki ang kikitain natin dito boss, hindi ba Matt?" nakangiting sambit ng isang payat na lalaki. Mababakas ang kasiyahan at pananabik sa kanyang mukha habang nakatingin sa matabang lalaking katabi niya.

Bilang tugon, tumango sa kanya ang matabang lalaki na nagngangalang Matt. Sila ay isang grupo ng tatlong lalaki na nakasuot ng balat na baluti. May napakaraming peklat ang makikita sa bawat bahagi ng kanilang katawan. Marahil tanda ito ng kanilang pakikipagsapalaran bilang mga Rogue Adventurers.

Ang tatlong lalaking ito ay walang iba kung hindi ang payat na si Lance, ang matabang si Matt at ang kanilang boss na si Seve. Ang mga dating estudyante ng Sacred Dragon Institute, ang mga dating miyembro ng Black Tiger Family, ang mga Marren.

Noon, matatandaang bahagi sila ng isang malakas na Aristocrat Clan. Gayunman, pagkatapos ng pagkabuwag ng kanilang Black Tiger Family, naging hamak na mga Rogue Adventurers na lamang sila kasama ang iba pang miyembro.

Matatandaang si Seve ang kauna-unahang kinamuhian ni Finn Doria bago pa si Xuan. Kinamuhian ni Finn Doria dahil sa ginawa nitong pagbabanta at panghahamak sa kanyang angkan. Pero s'yempre, ang lahat ng ito ay nakalipas na. Kasaysayan na ito at ang parehong binata ay hindi na nakakaramdam ng galit o muhi sa isa't isa.

Humiwalay na si Seve sa mga dating miyembro ng Black Tiger Family. Iniwan niya na ang kanyang ama at nagsimula muli siya ng buhay bilang ordinaryong Rogue Adventurer na lamang. Sa hindi inaasahang pagkakataon, kahit wala na siyang impluwensya o posisyon sa lipunan, sinundan pa rin siya ng dalawa niyang alalay, sina Matt at Lance.

Ang tatlo ay naging Rogue Adventurers na walang kinabibilangang puwersa. Nagpapalipat-lipat sila ng bayan at lungsod sa Sacred Dragong Kingdom upang gawin ang kanilang misyon. At sa kasalukuyan, mga adventurers nalang sila na tumatanggap ng misyon sa mga sangay ng Adventurers Guild.

Ang mga kinikita ng tatlo sa nakaraang mga taon ay ginagamit nila para sa kanilang pagsasanay. Hindi naging madali para sa kanila ang mga nagdaang taon pero dahil sa kanilang matinding pagsusumikap, lahat silang tatlo ay nakatapak sa Scarlet Gold Rank.

Ang kanilang antas at ranggo ay halos maikukumpara na sa isang ordinaryong core member ng isang faction. Isa itong kamangha-manghang tagumpay para sa kanilang tatlo na mga hamak na Rogue Adventurers lamang.

Nakabili rin sila ng mababang uri ng skills at sa kasalukuyan, ito ang kanilang ginagamit, hindi ang skills na natutunan nila sa Sacred Dragon Institute o kahit sa Black Tiger Family.

Sa mga nakalipas na taon, malaki na ang pagbabagong nangyari sa ugali ni Seve. Pinagsisisihan niya na ang lahat ng nagawa niya kay Finn Doria. Wala nang galit ang nararamdaman niya sa dati niyang kaklase dahil unang-una sa lahat, nalaman niyang malaki pala ang naging bahagi ng kanyang angkan sa mga paghihirap at pagdurusang dinanas ng buong Azure Wood Family sa nagdaang mga taon.

Ang puso ni Seve ay hindi gano'ng kasama. Nadala lang siya ng kanyang kagustuhan na maipagmalaki siya ng kanyang amang si Frederick. Mayroon lang siyang gustong patunayan, at upang magawa 'yun, sinunod niya ang utos ng kanyang ama kahit na kasamaan pa ito.

Bahagyang nakangiti ngayon si Seve. Kahit na makikita ang pagod sa kanyang mukha, mapapansin din naman ang tagumpay rito. Masaya siya ngayon dahil gaya nga ng sabi ni Lance, malaki ang kikitain nila sa pagkakataong ito.

Sa kasalukuyan, malaki ang ipinagbago ng kanyang hitsura at pangangatawan. Naging matipuno na siya at ang kanyang kutis ay hindi na gaya ng dati. Naging kayumanggi ang kanyang balat at kapansin-pansin ang mga peklat dito.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon