Chapter LXVII

7.6K 922 80
                                    

Chapter LXVII: Escaped

Nasa malawak na espasyo sina Oyo ngayon. Walang makikitang kahit ano sa paligid kung hindi ang napakalawak na damuhan at ilang tipak ng bato. Kasama ang dalawang bata sa kanilang harapan, sampu silang naroroon sa lugar na iyon. Makahulugan pa ring nakangisi si Eon sa mga bagong dating habang si Poll naman ay nakasimangot.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Guro sa kanila bago sila pumasok sa mundong ito, ha, Eon? Nakakaintindi ka ba ng mga simpleng salita?” salubong-kilay na tanong ni Poll kay Eon.

“Tumahimik ka dahil hindi ko hinihingi ang opinyon mo, bata,” nanghahamak na sabi ni Eon. Mas lumapad pa ang kanyang ngiti at marahang nagsalita, “Ang ipinangako ni master sa kanila ay ang pagpunta sa lugar na ito. Isa pa, kung hindi sila magiging malakas na mga adventurers, mangyayari lang ulit sa kanila ang mga pinagdaanan na nila.”

Makikipagtalo pa sana si Poll pero, biglang nagsalita si Alejandro.

“Sino kayo mga kuya? At ito na ba ang lugar na sinasabi ni kuya Finn?” inosenteng tanong ni Alejandro sa dalawang bata.

Matamis na ngumiti si Poll. Humakbang siya pauna at sinadya niyang banggain si Eon. Nainis naman si Eon dahil sa ginawa ni Poll, gaganti na sana siya pero pumadyak nalang siya sa lupa, sumimangot at hindi na nagsalita pa.

“Ako nga pala si Poll Murayon, personal na estudyante ako ni guro, ni kuya Finn Doria. At gaya nga ng sabi ni Eon, ng mayabang na ito, ang mundong ito ay pag-aari ni guro, lahat ng makikita ninyo rito ay kanya; puno, halaman, damo, bato, kayamanan at kung ano-ano pa,” nananabik na paliwanag ni Poll. Nagniningning ang kanyang mga mata habang inilalahad ang kanyang kamay. “Maaari kayong magsanay rito dahil angkop ang mga mundo rito para magsanay kayo. Malaya kayong gawin ang nais ninyong gawin dito; maglaban, magkuwentuhan, magluto at kumain nang kahit ano.”

“Ang mundong ito ay napakaganda, hindi ba? Hindi ninyo ba nararamdaman na maaliwalas at magaan dito kaysa sa labas?”

Huminto sandali si Poll. Napaisip siya at ilang sandali pa, ngumiti muli siya at marahang nagsalita, “Oo nga pala, ikinagagalak ko kayong makilala.”

Suminghot-singhot naman si Erwan. Nagningning din ang kanyang mga mata. Hindi pa rin siya makapaniwala na mapupunta siya sa ganito kaganda at kalawak na lugar. Masayang-masaya siya ngayon dahil hindi siya nagkamali sa desisyon niya.

Nasa isang lugar na siya kung saan malayo na siya sa mga nangingikil na kawal. Hindi niya na kailangang magtrabaho dahil malaya na siyang makakatira sa mundong ito nang libre.

Galak na galak si Erwan na lumayo ng bahagya kina Poll. Agad niyang inilabas ang kanyang karwahe at sinimulan na niyang magpaikot-ikot sa lugar.

Sina Oyo naman ay pinanood lang ito at maging sila ay palingon-lingon din sa paligid habang makikita sa kanilang mga mukha ang matinding paghanga at pananabik.

Habang si Erwan ay abala sa pagmamaneho ng kanyang karwahe, sina Oyo naman ay isa-isang ipinakilala ang kanilang sarili kay Poll, ganoon din naman si Sanya.

“Pabibo,” pasinghal na sabi ni Eon habang nanghahamak na nakatingin kay Poll. “Hmph! Hindi pa rin kayo makakawala mula sa akin. HA HA HA!”

Napatingin ang lahat kay Eon. Maging si Erwan ay napahinto sa kanyang pagmamaneho. Bigla siyang nanlamig at nakaramdam ng kaba. Pakiramdam niya ay may kung anong kapangi-pangilabot na awra ang nakapalibot kay Eon.

Napatago si Alejando sa likod ng kanyang ina. Sina Oyo naman ay pinagpawisan ng malamig at napalunok ng laway.

Samantala, habang ang lahat ng mga naroroon ay nakatingin kay Eon, kasalukuyan namang nasa itaas sina Munting Black at Migassa; nagmamasid lang sa nangyayari sa baba.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now