Chapter VII

9.4K 806 69
                                    

Chapter VII: Powerless

Nanatiling lumulutang si Munting Black hindi kalayuan sa dalagitang nakakadena. Taimtim niya itong pinagmamasdan ngayon at napakaraming tanong ang tumatakbo sa kanyang isipan.

'Sino ang gumawa nito sa kanya..? Anong nilalang ang may kakayahan na gawin ito sa isang pambihirang nilalang gaya niya..?'

Sa kapanahunan ni Munting Black, madali lang para sa kanya ang pumaslang o kaya naman ay bumugbog ng malalakas na nilalang. Hindi siya ang pinaka malakas noong kapanahunan niya pero kasali pa rin siya sa limang pinaka malalakas na adventurer sa buong Divine Realm. Gayunpaman, kahit na madali lang para sa kanya ang pumaslang, mayroon pa rin siyang hindi kayang gawin, at iyon ay ang ikulong ang isang malakas na nilalang sa sarili niyang isipan sa loob ng mahabang panahon. Maging ang kanyang amo, ang pinaka malakas na Emperor noon ay walang kakayahan na gawin ito.

Naguguluhan ngayon si Munting Black at kahit pa halughugin niya ang kanyang utak, wala siyang maisip na nilalang na may kakayahang gawin ito. Nakaramdam din siya ng hiwaga at awa sa dalagitang nakakadena't posas. Gusto niya itong pakawalan ngayon din upang tanungin ng ilang mga bagay. Umabante siya pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa dalagita, napahinto agad siya.

Nasaksihan niya kung paano sobrang manginig ang dalagita. Kumalansing din ang mga kadena na nagtatali sa kanya. Nanginig na lang ito bigla noong kumilos siya. Nanginginig ito na para bang takot na takot ito.

"H'wag... pakiusap... nagmamakaawa ako... ilabas mo na ako rito... patawarin mo na ako... hindi ko sinasadya... ayoko na rito... ayoko na nagmamakaawa ako... nagsisisi na ako parang-awa mo na..." nakarinig ng hagulgol si Munting Black at walang tigil na pagmamakaawa. Kahit madilim, nakita pa rin niya kung paano pumatak sa sahig ang luha ng dalagita.

Ramdam na ramdam ni Munting Black ang matinding pagsisisi, takot at lungkot mula sa boses ng dalagita. Muling naguluhan si Munting Black. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito na lang ang takot na nararamdaman ng dalagita nang siya ay papalapit sa kanya.

'Maaari kayang napagkamalan niya ako bilang nilalang na nagkulong sa kanya rito...?'

Kasalukuyan pa ring nanginginig ang dalagita at nagmamakaawa. Umiiyak at humahagulgol pa rin ito. Nakataklob pa rin ang mahaba nitong buhok sa kanyang mukha at hindi pa rin makita ni Munting Black ang mukha nito.

"Kumalma ka. Hindi ako narito upang saktan ka. Narito ako upang tumulong," pagpapakalma ni Munting Black sa dalagita. Nanatiling walang emosyon ang mga mata ng munting nilalang, gayunpaman, sa totoo lang, halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman ngayon.

Huminto sa walang tigil na pagmamakaawa ang dalagita nang matapos si Munting Black sa kanyang pagsasalita. Nanginginig pa rin ito pero napansin ng munting nilalang na pinipilit nitong iniaangat ang kanyang ulo na para bang gusto nitong makita si Munting Black.

Gustong abutin ng dalagita si Munting Black. Kumalansing ang kadenang nakadikit sa kanya at pinipigilan siya ng kadenang ito na makalapit mo maabot si Munting Black.

"Sino ka...? Narito ka ba upang iligtas ako...? Ipinadala ka ba ng aking ama para iuwi at ialis ako sa lugar na ito...?" tanong ng dalagita na para bang pinipilit nito na makita kung sino ang nilalang na nagpapakalma sa kanya.

"Hin..." natigilan si Munting Black at napaisip. Napatitig siya sa kalunos-lunos na kalagayan ng dalagita at muling nagwika, "Oo. Narito ako upang subukan na ialis ka sa lugar na ito. Pero dapat mong malaman na hindi ako tauhan ng iyong mga magulang."

Sa ngayon, nais muna ni Munting Black na magkunwari sa dalagitang ito. Hindi niya gustong alisan ito ng pag-asa na makaalis, gayunpaman, hindi rin siya nangako na maiaalis niya ito mula sa pagkakakadena. Hindi niya pa rin maintindihan kung anong klaseng technique ito, at wala siyang ideya kung paano niya ito wawasakin.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora