Chapter XLVIII

7.7K 900 110
                                    

Chapter XLVIII: Separated, Supreme Tempest Art



Nasa loob pa rin ng bunganga ng dambuhalang balyena si Finn Doria. Madilim ang paligid pero dahil sa enerhiyang nakapalibot sa kanyang katawan, may kaunting liwanag na naaaninag si Finn Doria. Ang awra ng balyenang ito ay hindi hamak na mas mahina kaysa sa Eight-Eyed Mad Octopus. Isa lamang itong Eight Grade Vicious Beast, at nasa mababang antas pa lamang ito.



Nakaririnig si Finn Doria nang magkakasunod na pagsigaw at paghihinagpis. Ilang metro lang ang layo nito sa kanya at kung hindi siya nagkakamali, nagmumula ang mga pagsigaw na ito sa mga sharkmen na kanyang kinakalaban kanina.



Mayroon din siyang napapansin na asul na ilaw hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Palabo nang palabo ang asul na ilaw. Kasabay nito ang mga pagsigaw at habang tumatagal, ang awra ng limang Legend Rank na nakain ng balyena kasama siya ay unti-unting naglalaho. Wala na ang mga ito, patay na at sigurado roon ang binata.



'Anong nangyayari..?' sa isip ni Finn Doria.



Water Sage Art: Water Blade



Naging handa si Finn Doria. Nakiramdam siya sa kanyang paligid. Hindi siya natatakot pero nangangamba siya. Maaari niyang ulitin ang ginawa niya sa Eight-eyed Mad Octopus pero hindi niya pa rin lubusang maintindihan kung anong nangyayari. Hindi niya alam kung ano'ng dahilan nang pagkamatay ng mga sharkmen na kinakalaban niya kanina.



Hindi niya alam kung sino pa ang adventurer na nasa bunganga ng balyena bukod sa kanya.



Upang mabigyang linaw kung ano talaga ang nangyayari, pinalakas ni Finn Doria ang liwanag ng kanyang enerhiya. Ginawa niya itong ilaw upang makita ang kasalukuyang nangyayari. At nang makita niya kung sino ang pumatay sa mga Legend Rank sharkmen, nagulat siya.



"Melissa..?" gulat na tanong ni Finn Doria.



Tama. Si Melissa ang agad na nakita ni Finn Doria nang palawakin niya ang liwanag ng kanyang enerhiya. Naguguluhan si Finn Doria. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari, hindi niya alam kung dapat ba siyang mag-ingat at maging handa ngayon.



"Akala ko sabi ni ginoong Gin ay ikaw ang kumokontrol sa formation ng «Raven»?" maingat na tanong ni Finn Doria kay Melissa.



Dahan-dahan na humarap si Melissa kay Finn Doria. At pagkatapos niyang ilagay sa kanyang interspatial ring ang bangkay ng limang sharkmen at ang gamit ng mga ito, bahagyang siyang ngumiti kay Finn Doria at marahang nagsalita, "Si Elena ang totoong kumokontrol sa formation, hindi ako. Nagsinungaling kami sa 'yo, Finn Doria."



"Patawarin mo ako kung ginulat kita. Kailangan naming gawin ito para hindi ka na madamay sa gulong pinasok namin. Nakiusap lang sa akin si kapitan na ihatid ka sa kontinente ng ligtas."



Hindi lubusang maintindihan ni Finn Doria ang sinabi ni Melissa. Ibinalik niya na sa dati ang kanyang mga braso at nagtatakang tumingin kay Melissa. Nawala na ang pangamba niya, at hindi niya na kailangang mag-ingat pa kay Melissa dahil napagtanto niyang hindi naman masama ang intensyon nito sa kanya.



"Anong ibig mong sabihin? Kailangan ni ginoong Gin at ng Dark Crow ang tulong natin. Napapaligiran sila ng mga kalaban," mahinahon ngunit naiinis na sabi ni Finn Doria.



Hindi tumugon dito si Melissa, bagkus, nalulungkot siyang ngumiti sa binata. Nangilid ang luha ni Melissa pero agad niya rin itong pinunasan.



"Marahil alam mo na ang tungkol sa pagiging kabilang ko sa merfolk race," hayag ni Melissa. "Lingid sa iyong kaalaman, ako ay anak ng dating hari ng Underwater Kingdom. Ako ay prinsesa ng Underwater Kingdom, noon. Iniwan ko ang kaharian dahil hindi ako pabor sa digmaan sa pagitan ng iba't ibang lahi."

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now