Chapter LXIX

7.2K 917 79
                                    

Chapter LXIX: I'll Just Watch

Pagkatapos mawala ang pigura ni Finn Doria, lumapit ang tatlong babae kay Lucius. Ang tatlong babaeng ito ay magkakaiba ng postura; mayroong mapang-akit, mayroong matikas at mayroon ding mukhang mahiyain. May iba't ibang ekspresyon sa kanilang mukha ngayon habang nakatingin kay Lucius. Ang mapang-akit ay nakangiti ng matamis at agad na lumingkis kay Lucius.

Ang babaeng ito ay nagngangalang Zenaida; isang 6th Level Legend Rank, may naggagandahang pares ng kahel na mga mata at mahabang kahel na buhok. Sa mata palang ay makikita nang interesado siya kay Lucius.

"Lucius, h'wag mo nang intindihin ang mahinang iyon. Mas mataas pa ang antas ni Amelia kaysa sa kanya. Pagiging Blacksmith lang naman ang maganda niyang katangian at sigurado akong hindi siya marunong lumaban," matamis na ngiting sabi ni Zenaida.

Ngumiti rin sa kanya si Lucius at marahang nagsalita, "Tama ka. Inanyayahan ko lang naman siya para masamahan ko siya Bestial Forest, gaya niyo. Gusto ko kayong protektahan at tulungan sa inyong pagsasanay."

Isang malaking kasinungalingan ang sinabi ni Lucius. Gusto niyang makipagkaibigan kay Finn Doria dahil kailangan niya ang pagiging Grandmaster Blacksmith nito. Kung magiging kaibigan niya si Finn Doria, mas lalaki pa ang koneksyon niya at mas tataas pa ang katanyagan niya. Hindi siya sinseridad sa pakikipa-kaibigan dahil isa siyang adventurer na walang iniisip kung hindi benepesyo.

Mahahala na agad ang katangian niyang ito sa binuo niyang grupo. Hindi siya kumuha ng kapantay niyang mga adventurer, bagkus, ang kinuha niya ay magagandang babae na mas mahina sa kanya.

Gusto niyang magpakitang gilas sa mga babaeng isinama niya sa grupo dahil gusto niyang maging kasintahan ang lahat ng tatlong ito.

Samantala, habang nagpapalitan naman ng matatamis na salita sina Lucius at Zenaida, mapapansing tahimik si Elayne habang nakatanaw sa direksyong pinuntahan ni Finn Doria.

Sa tatlong babae, si Elayne ang pinaka malakas at nakakaintindin sa masamang binabalak sa kanila ni Lucius.

Isa siyang magandang babae na may maamong mukha, mahabang itim na buhok at mapungay na mga mata.

Bukod pa rito, isa siyang 9th Level Legend Rank at naabot niya ito dahil na rin sa kanyang pagiging madiskarte. Lagi siyang seryoso at gaya ni Lucius, gumagamit din siya ng ibang adventurer para umasenso. Isa siyang tusong babae, pero hindi siya gaya ni Zenaida na ginagamit ang pagkakababae para makasama sa mga pakikipagsapalaran ng malalakas.

Habang seryoso naman nakatitig si Elayne sa kawalan, ang tahimik namang si Amelia ay hindi mapakali.

Si Amelia ang pinakamahina sa grupo. Isa lang siyang 4th Level Legend Rank, pero, kahit na mahina siya ang kanyang ganda ay hindi hamak na mas angat kaysa kay Zenaida. Mukha siyang inosente at puro. Mamasa-masa ang kanyang mga mata at maganda ang kanyang labi.

Tumingin si Amelia kay Elayne at pabulong na nagsalita.

"Ano... may problema ka ba, Elayne?" naiilang na tanong Amelia.

Natigil sina Lucius at Zenaida sa kanilang paglalampungan. Napatingin silang dalawa kay Elayne, at nang mapatitig muli si Lucius kay Elayne, agad siyang humiwalay kay Zenaida.

Matamis na ngumiti si Lucius at malumanay ring nagtanong, "Kapansin-pansin nga ang pagiging tulala at tahimik mo, mayroon ka bang problema, Elayne?"

Napatingin si Elayne kina Amelia, Lucius at Zenaida. Marahan siyang umiling at bahagyang ngumiti, "Wala naman. Napagtanto ko lang na sayang ang binatang iyon. Nararamdaman kong mas pa siya kaysa sa atin pero ang kanyang narating ay hindi hamak na mas mataas kaysa sa atin."

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon