Chapter LIII

8.2K 903 100
                                    

Chapter LIII: City of Erdives

Kasalukuyang naglalakad ngayon sina Finn Doria sa daanan patungo sa lungsod ng Erdives. Mataas na ang sikat ng araw at marami na ring grupo ng mga Rogue Adventurers ang nakakasabay at nakakasalubong nila sa daan. Nagkukuwentuhan ang grupo ni Oyo habang si Finn Doria naman ay tila ba may malalim na iniisip; kasalukuyang iniisip pa rin ng binata ang tungkol sa kanyang mga nalaman.

Hindi nila inabala si Finn Doria. Hinayaan lang siya nina Oyo na tahimik na mag-isip.

Naipaliwanag na nina Oyo kay Finn Doria ang tungkol sa kakulangan sa karapatan nilang mga rogue adventurers. Ipinabatid nila sa binata na ang gaya nilang mga rogue adventurers ay hindi binibigyan ng kalayaan at karapan na magkaroon ng maraming kayamanan.

Sa imperyong ito kung saan sila naninirahan, ang mga rogue adventurers na walang propesyon ang may pinakamababang antas ng impluwensya sa lipunan. Wala silang pribilehiyo at pinagkakaitan sila ng karapatan ng imperial family.

At ang dahilan ng imperial family? Hiling daw nila ang kapayapaan sa bawat lungsod at bayan. Idinadahilan nila na kapag maraming kayamanan ang mga rogue adventurers, maaaring magkaroon ng lakas ng loob ang mga masasamang adventurers. Natatakot daw sila na baka maghasik ng lagim ang mga bandido na maging dahilan ng mas malaking gulo, o mas malala pa; humantong sa isang digmaan.

Maraming kumwestiyon at nakibaka sa panuntunan na ito ng imperial family. Nagkaroon ng pagdanak ng dugo, rebelyon at digmaan dahil hindi matanggap ng mga rogue adventurers ang hindi patas na pakikitungo sa kanila ng mga maharlika. Gayunman, ano’ng magagawa ng mga simpleng rogue adventurers kung suportado nang bilyong mamamayan ang panuntunang ito ng imperial family? Wala.

Mas pumapanig ang mga ordinaryong mamamayan at mga negosyante sa panuntunang ito ng imperial family kaysa sa karapatan ng mga Rogue Adventurers.

Dahil sa panuntunang ito, nalimitahan ang kakayahan ng milyong-milyong rogue adventurers na naghahanap-buhay. Ang mga nangangaso at nakikipaglaban sa mga vicious beasts ay nahihirapan dahil sa kanilang gamit na mga armaments. Hindi mailabas ng mga rogue adventurers ang kanilang potensyal at buong kakayahan dahil hindi sila makagamit ng angkop at kalidad na sandata.

‘Sa Sacred Dragon Kingdom, at sa maraming kaharian sa Ancestral Continent, ang ganitong panuntunan ay hindi umiiral…’ sa isip ni Finn Doria. ‘Ang pagsusuri ng interspatial ring ng iba ay isang malaking paglabag sa kalayaan ng mga adventurers, lalo na sa mga adventurers na ang tanging gusto lang ay maghanap-buhay at magsanay upang mas lumakas…’

Hindi matanggap ni Finn Doria ang ganitong panuntunan. Hindi niya ito gusto dahil ang bawat adventurer, ordinaryong adventurer man o maimpluwensyang adventurer ay may karapatang magkaroon ng pribadong pag-aari.

Pero, wala siyang magagawa tungkol dito dahil matagal nang umiiral ang panuntunang ito. Sa ngayon, wala pa.

Ang tanging magagawa niya na lamang ay ang magtungo sa Blacksmith Guild upang sumabak sa pagtatasa at makakuha ng pribilehiyo upang makagamit ng Epic Armament. Mas minabuti niya nalang din na sundin ang panuntunan na ito ng imperial family upang makaiwas sa mas malaking gulo.

Gayunpaman, hindi na siya nag-abala pa na ibenta ang mga nakuha niyang Excellent Armaments. Ibinigay niya nalang ito sa grupo ni Oyo na ipinagpasalamat naman nang sobra ng mga ito.

Ang kinuha lang ni Finn Doria ay ang mga pills, herbal medicine, at ang libo-libong rowano na pagmamay-ari ng siyam na adventurers. Umabot sa halos limampung libo ang pinagsama-samang rowano na pag-aari nina Geron, Wen at ng iba pang pinatay ni Finn Doria.

Ang rowano ay papel na pera sa Imperyo ng Rowan. Ipinaliwanag ni Eduardo na bawat isang rowano ay nagkakahalaga ng isandaang libong gintong barya.

Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent]Where stories live. Discover now