Prologue

298 52 21
                                    

Capturing Rame
Written by hanadconq

1, 2 , 3 Smile

Ang pagsilay ng iyong ngiti ay siyang pagbilis ng tibok ng aking puso. Sinisipat ko mula sa likod ng camera ang iyong mukha. Ang maganda mong mata, matangos na ilong, ang lahat-lahat sa'yo.

Nakuha ko na lahat ang anggulo mo. Nakuha ko na lahat ng emosiyong pwedeng ipakita ng mata mo. Pero ang puso mo hinding hindi ko makuha. Bakit hindi ko makuha?

Mukhang nagkamali nanaman ako nang sabihin kong ngumiti ka sa camera. Mukhang nagkamali akong tinuruan kitang ngumiti. Mukhang gumawa ako sa paraan para mas mahulog ako sa'yo at lalong saktan ang sarili.

"How is it?"

"Ha?"

Pati ang iyong prisensiya ginugulo ang aking sistema. Kung sana pwede kong itago na lang lahat sa likod ng camera.

"Hindi ko nakunan, e."

"Huh? Bakit"

"Pasmado kasi kamay ko." I faked a laugh. "Okay lang 'yan, marami pa naman tayong pupuntahan."

And he smiled again.

"I love your works talaga."

I love you too

A word that will forever be unspoken.


Capturing Rame Where stories live. Discover now