CHAPTER 21: Sir

54 13 1
                                    

"Malungkot ka ba dahil ako ang kasama mo ngayon?" Napayuko ako dahil sa sinabing iyon ni Ramiro. Ayaw kong magsinungaling pero sa totoo lang, madaming bumabagabag sa isip ko ngayon.

Ano kayang ginagawa nila?

Nasaan sila?

Masaya ba sila?

Basta marami.

Naramdaman ko ang paglapit ni Miro sa gawi ko at umupo sa aking tabi. "Miah, umaasa ka pa rin ba kay Rame?" Agad akong napalingon dahil sa tanong niyang iyon. "Ayaw kong makasira ng relasyon, Ramiro." sabi ko.

"Kakaiba ka talaga," bakas ang mangha sa boses niya pero hindi ko alam kung paanong kakaiba. "Noong nasa ganiyan akong sitwasyon itinatak ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para mapasaakin ang taong mahal ko." Napa-tsss na lang ako sa sinabi niya. Hindi madali ang lahat. Hindi lang kasindali ng paghinga ang lahat. Isipin mo na parang may nakabarang kung anong bagay sa lalamunan mo. Gano'n kahirap na halos bilang na lang ang iyong paghinga.

"E, bakit ako hindi mo ipaglaban?" makapal ang mukha kong sabi na ikinatawa niya.

"Aso ka ba, Domo?"

"Ha?" nagtataka kong tanong.

"Aso-mming ka kasi," kusang umangat ang gilid ng aking labi at sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto lang kita hindi kita mahal, kaloka 'to. Magkaiba 'yon." Napahiya ako roon, ah.

"Gusto o mahal, pareho lang silang masakit," sabi ko. Totoo naman kahit ng simpleng crush nga masakit na rin 'e.

"Pareho ngang masakit pero magkaiba pa rin 'yon." sabi niya. "Teka nga, nagkakaganiyan ka ba dahil gusto lang kita at hindi mahal?" Kapal talaga ng mukha.

"Aso ka ba?" tanong ko at tumawa lang siya. Nanahimik na ako habang siya ay hindi pa rin tumitigil sa pagtawa niya. "Agawin mo na lang kasi o kung ayaw mo dahil nagbabait-baitan ka edi ligawan mo," aniya.

"Lalaki ka, Ramiro, kaya kayang kaya mo 'yang gawin." sabi ko. "Pwede mo siyang ligawan at pasagutin. 'E, ako?"

"Nakamasid lang ako sa malayo habang umaasang kapag ayaw na nila sa isa't isa, sana ako naman."

"Mahirap burahin ang unang pagmamahal, Domo." aniya. Oo, kaya nga mahihirapan akong burahin si Rame sa akin.

"First love, first girlfriend, first kiss at first pa sa lahat ng first ni Rame si Aleesa," Handa akong maging second sa lahat ng first na 'yan.

"Ni ang pinakamahigpit na utos ng magulang ni Rame ay nasuway niya para kay Aleesa, 'e." Kakampi ko ba talaga 'tong si Ramiro? Isip-isip ko.

"Kinaya niyang gawin 'yon dahil sa pagmamahal." dagdag pa niya. "Ikaw ba anong kaya mong gawin para kay Rame?"

Sa totoo lang, masakit isipin pero wala. Sobrang babaw ng tingin ko sa sarili ko ngayon na parang kahit mag heels akong 20 inches ay hindi ko pa rin mapapantayan si Aleesa. Kahit akyatin ko pa ang Mount Everest ay walang wala pa rin ako sa kaniya.

Capturing Rame Where stories live. Discover now