Chapter 3: Peej and Relle

123 43 13
                                    

Maaga akong gumising para maaga rin akong makaalis. Hindi na ako kumain ng agahan dahil ayaw kong makasabay ang ate sa pagkain. Matapos niyang saktan ang aking anak ay wala na siyang karapatang kausapin o tingnan man lang ako. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Niyurakan niya ang dignidad ng camera ko kaya hindi ko siya mapapatawad.

"Ma, alis na ho ako." walang gana kong sabi. Kinuha ko ang aking bag sa sofa at isinakbit iyon.

"Hindi ka man lang ba kakain?"

"Sa Greenwich na lang po ako kakain."

"Mayaman ka?" Napatigil naman ako at napapikit ng madiin. Nakngtokwa.

"Huwag niyo na po akong intindihin kaya ko na po ang sarili ko. ARAY!"

"Ako'y huwag mong inaartihan! Kumain ka!"

"Si mama naman nakapanapok na agad! Hindi na nga ho ako kakain at busog pa ho ako." Humarap ako sa salamin at inayos ang aking buhok.

Ang ganda ko talaga.

"Alis na ako, ma." Tuluyan ko nang nilisan ang aming bahay dala ang pag-asang sa pagbalik ko ay ayus na lahat. Chos.

"DOMINIQUE!"

"DOMINIQUE!"

Napatigil ako sa aking paglalakad at napapikit dahil sa nagtitimpi na aking nararamdaman. Naikuyom ko pa aking dalawang kamay at nilingon ko sila gamit ang mata kong nanlilisik.

Kaibigan mo sila, Miah. Kaibigan mo sila. bulong ko sa aking sarili

"DOMINIQUE! TARA NA!"

"MIAH! MIAH! MIAH! Mahirap bang sabihin 'yon, ha? MI-YA! TAKTE NAMAN OH!" hindi ko na napigilang hindi sumigaw.

"Eh ba't nagagalit ka?" si Peej.

"Miah nga kasi! Miah!"

"Oo na nga! NAPAKAARTE MO!"

Ayaw ko talaga sa pangalan ko dahil panlalaki. Dominique? Bruhh.

"Tara na nga, Miah!" hinila na ni Relle ang braso ko at sumakay na kami sa jeep. Naging tahimik ang biyahe hanggang sa makarating kami sa school. Nalulungkot ako at tinatamad akong umimik dahil sa halu-halong emosiyon.

Ang anak ko! Nasaktan ang anak ko!

"Anong problema niyan?" Kahit hindi ako nagsasalita ay hindi naman ako bingi kaya rinig na rinig ko ang usapan ng dalawa kong kaibigan.

"Ewan, baka meron siya ngayon." sabi ni Relle.

"Babae pala 'yan?"

"Marinig ka, naku!"

Napaub-ob na lang ako sa desk ko at pumikit habang iniisip kung bakit kahit wala maganda ay nalulungkot din.

Pero sa totoo lang, yung camera kasi na iyon ang pinaka-unang bagay na naipundar ko para sa sarili ko. Tinipid ko ang sarili ko sa loob ng dalawang taon para lang makuha ang pangarap kong camera. Hindi naman ako nabigo dahil nabili ko rin iyon. Magta-tatlong taon na siya sa akin kaya mahal na mahal ko siya. Siya rin ang naging investment ko para sa pangarap kong makarating sa Barcelona. Siya ang tumutulong sa akin para makamit ko ang iba ko pang pangarap gamit ang perang kinikita ko.

Tapos ganun? Sa isang iglap yuyurakan lang ng isang Unggoy?

Naiuntog ko na't lahat ang aking ulo sa desk ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa aking camera. Sobrang sakit!

Capturing Rame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon