CHAPTER 5: Clan

97 37 11
                                    

"Bakit ang sama mong makatingin?"

Sino ba namang matutuwa kung ano pa yung pinaka ayaw mong pangalan ay siyang nilagay niyang name sa account ko. Kapag hindi ka nga naman nainis.

"May 30 days ka pa namang ipaghihintay para mapalitan yung pangalan mo, kunting tiis na lang, Miah." Lalo kong sinamaan ang tingin sa kaniya.

"Sabi ko, Nehemiah ang ilagay mo. Jusmiomarimar!"

"Si Peej kasi sabi yun daw ang ilagay kasi akala naman namin madali lang yun palitan."

Sinasabi ko na nga ba at si Peej ang may pakana ng lahat. Hinanap ng paningin ko si Peej at nakita ko siyang nagbi-busy-busyhan para hindi ko siya mapansin.

"Bakit ka nakatingin?" bakas ang pagtataray sa boses niya. Hindi ako umiimik at sinamaan ko siya ng tingin. Attitude ka, ah.

"Check natin wall mo, Miah." Kinuha ni Relle ang laptop mula sa hita ko at binuksan iyon. "Hmmm."

"Daming notifications, ah." Sumilip naman ako sa laptop at nakita ko nga ang 34 new notifications. "Mukhang mabenta ka girl!"

Medyo natuwa naman ako sa isiping iyon dahil baka nga maraming matuwa sa mga shots ko na nasa wall. Inilagay ko talaga roon ang mga favorite shots ko. Merong sa beach, sa city areas, vintage vibes, summer at marami pang iba featuring different kind of people.

Scroll lang kami ng scroll ni Relle sa notifications at halos puro add to recommendations lang halos. Kaya hinayaan ko na muna siyang magscroll lang ng magscroll sa wall ko habang nilalantakan namin ni Peej ang carbonara sa lamesa.

"Ilang kilo 'tong niluto ni tita?" tanong ko kay Peej kahit puno ng laman ang aking bibig.

"Dalawang kilo 'tong pasta, e."

"Ayus! Makakapagtake out. May dala ka bang plastic?"

"Wala. Baunan ang dala ko." sabi niya habang dare-daretso pa rin sa pagkain.

"Kapal talaga ng mukha mo." Hindi na siya umimik. Sumandok muli ako sa lalagyanan at inilagay sa plato ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng marinig naming magmura si Relle. Mabilis ko siyang pinuntahan at sinilip kung bakit siya napamura.

"Shit!"

"Bakit? Anong meron?" kahit may laman ang bibig ko ay pinilit ko pa ring magsalita.

"Sabi rito, Someone wants your service raw. Shit!" hindi na maalis sa mukha ni Relle ang saya dahil sa nabasa niya. "Dominique!___Ay, Miah pala! May customer ka na agad, oh! Lupet mo talaga!" May pagyakap pa sa akin ang luka-luka.

"Tignan natin kung anong offer nito sa atin." Relle clicked something on the screen at napunta kami sa isang wall under ng Conmigo.

May dalawang bahagi na pwede mong pagsign-up-an. Una, Conmigo o with me, ito ay ang wall para sa mga gustong maghire ng photographers. Ikalawa, Contigo o with you, ito naman ay wall para sa mga gustong mahire as a photographers. Hindi naman mahirap ma-identify dahil madali lang makita ang pinagkaiba ng dalawa at depende iyon sa budge na nasa wall nila.

Dominique, Clan wants to hire you. Please click this to open.

"I-click mo raw!"

"Marunong akong magbasa, Peej!" Inismiran lang niya ako. Kinakabahan kasi ako sabi kasi sa instructions and policy bawal na magcancel kapag naclick mo na. Bawal ka nang magback out kung sakalaing ma-approve mo na ang request. Dahan-dahan kong pinindot ang enter key sa keyboard ko. Hindi naman naging mabagal ang pagload sa page kaya naman nasa wall na niya kami agad.

Capturing Rame Where stories live. Discover now