CHAPTER 23: To feel is to believe

43 10 0
                                    

"M–Mi–ah,"

Hindi ko siya pinansin at minabuti kong takasan na lang lahat. Gusto ko lang umiyak ng umiyak dahil iyon lang naman ang kaya kong gawin at wala nang iba.

Iniwan ko siya sa silid at nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa kaniya kahit nanlalabo ang aking mata dahil sa luha. Wala na akong pakealam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Hindi ko inaasahang marinig ang mga bagay na 'yon sa kaniya o kahit kanino pa man. Hindi ko manlang naisip na kaya niya palang sabihin iyon sa akin.

Sobrang sakit.

Wala akong pakealam sa mga taong nakakasalubong ko. Wala akong pakealam kung pagtinginan nila ako. Wala akong pakealam kung sabihin ni lang napaka-arti. Wala na akong pakealam sa lahat dahil ang gusto ko lang ay ang makalayo sa kaniya.

Gusto ko lang makalayo kay Rame.

Paminsan-minsan ay pinapahid ko ang luha sa aking mata pero kakapunas ko pa lang ay may tumutulo nanaman mula roon.

"Miah?"

"MIAH!"

Huwag ngayon, Ramiro.

"Miah, bakit ko umiiyak?"

Hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Mas binilisan ko pa ang paghakbang pero binibilisan din niya ang kaniya.

"Miah?"

"Ra‐miro, haya—an mo na mun—a ako," nahihirapan kong sabi dahil sa paghikbi. Para na akong malalagutan ng hininga dahil sa labis na pag-iyak. At nagugustuhan ko ang pakiramdam na iyon.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

Mabilis niyang hinuli ang aking braso para pigilan ako sa paglalakad. Hinila niya ako paharap sa kaniya at saka ako hinawakan sa magkabila kong braso.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at nanatili akong nakayuko habang ang aking dalawang kamay ay nakasaklob sa aking mukha.

"Mi—ro,"

Mas lalo akong nahabag sa sarili ng banggitin ko ang pangalan niya. Pilit naman niyang inaalis ang kamay ko sa aking mukha pero hindi ako nagpapatinag. Ayaw kong makita niya kung gaano ako katanga.

"Lala–yo muna a—ko sa inyo ka–hit ngayon lang," sabi ko sa pagitan ng paghikbi. "Ayaw ko na rito,"

Hindi ko na napigilan ang panlalambot ng aking tuhod kaya napaupo na ako sa buhangin.

"Ayaw ko na," paulit-ulit kong sinasabi.

"Gusto ko nang umuwi," Gusto kong magsumbong kay mama dahil sinaktan ako ni Rame. Gusto ko nang umuwi.

"Ayaw ko na,"

"Gusto ko nang umuwi,"

"Ayaw ko naaa,"

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng braso niya sa likod ko at ang pagtapik-tapik niya roon. Dahan-dahan niyang hinahawakan, pababa at pataas.

"Shhhh, kumalma ka muna, Domo." mahina ang boses niyang sabi. Pinilit kong pigilan ang paghikbi dahil nahihirapan na rin ako sa paghinga. "Narito ako, oh"

"Diba sabi ko sa'yo, support system mo ako."

Kailangan ko ng kakampi at ibinigay Niya sa akin si Ramiro.

"Sabi ko sa'yo bawal ka nang umiyak, diba?"

"Sorry, Miro." Hindi naman ako iyakin noon 'e. Umiiyak ako kapag nag-aaway kami ni ate kapag ginagamit niya ang mga paborito kong gamit tapos masisira niya. Ngayon si Rame naman na wala akong ibang ginawa kundi ang intindihin siya.

Capturing Rame Donde viven las historias. Descúbrelo ahora