CHAPTER 10: Barcelona

62 24 0
                                    

Mia, I’m sorry. I’m sorry.” – Ely

Sorry din sa lahat, Ely. Sana piliin mo ring mabuhay. ‘Yung talagang mabuhay.” – Mia

"Mia, mahal kita." -- Ely

"You don’t have to. Huwag mo kong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ‘ko dahil mahal ‘ko because that is what I deserve. Salamat sa lahat, Ely. Sana pagdating ng panahon magkita ulit tayo sa kuwento ko." --Mia


"ARAY!" Halos mabali ang leeg ko dahil sa pambabatok sa akin ni mama. "Mama naman!"

"Aba! ANONG ORAS NA? HAWAKAN MO ANG TV AT PARANG SASABOG NA SA SOBRANG INIT! HINDI NAMAN IKAW ANG NAGBABAYAD NG KURYENTE!"

"Last na, ma. Promise!" pag-mamakaawa ko. Pero hindi siya natinag at talagang hinugot pa ang saksak ng tv at itinago ang remote.

Hindi umubra ang pagmamakaawa ko kaya lumabas na lang ako ng bahay at hinintay si Relle.

"Dominique! Ito na yung pinaprint mo! Sobrang dami pala niyan muntik na maubos ink na papa, e." reklamo niya.

"Yaan mo na! Sabihin mo project sa school."

"Kailan pa nagpaproject sa school ng picture ni Daniel Padilla? Okay ka lang?"

"Yaan mo, Relle. Pag pumunta na ako sa Barcelona, lahat ng lugar dito sa picture na ito ay pupuntahan ko hanggang sa mamatay kayo ni Peej sa inggit." sabi ko pa habang nagalaw-galaw ang balikat at nakataas ang kilay.

"Sus, kung makakapunta ka!" sabi niya at husto sa pang-iirap.

"Ako ang magiging pinakamasayang babae sa buong mundo kapag nangyari yun!"



Natupad na, Relle, dahil narito na ako sa Barcelona.

"Sila na bahala sa gamit mo, Miah." narinig kong sabi ni Rame pero wala akong panahon para intindihan siya. Nanatiling nakabukas ang aking bibig at manghang mangha ako sa paligid.

Triple ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi na mawala sa aking labi ang malapad na ngiti. Gusto kong magsisigaw at umiiyak dahil sa saya pero hindi ko alam kung anong unang gagawin. Kung sisigaw ba o iiyak pero sa huli nanatili sa akin ang ngiti kong halos mapupunit na ang labi.

"Bienvenida a barcelona, Miah." Welcome to Barcelona, Miah.

"Miah, hindi ipinagbabawal dito ang pag-upo." sabi ni Rame na nakaupo sa waiting area sa labas ng airport. Nanatili akong nakatayo at ninamnam ang hanging lumalapat sa balat ko. Napatingin ako sa sementong inaapakan ko at ngumiti.

"Hi, semento! shit! NASA BARCELONA NA AKOOOO!" hindi ko na mapigilang hindi sumigaw at magtatalon sa tuwa. Nakita ko ang mukha ni Rame at talaga namang 'Eh?' lang ang pinapakita niya.

"Uy, Miah. Umupo ka nga!"

"HOLA MI AMIGO!" Hello, my friend.

"HOLA MI AMIGA!" Hello, my friend.

Mababakas sa mga dumadaan sa gawi namin ang gulat at pagtataka dahil sa ginagawa ko. Lahat ng dadaan ay binabati ko habang kumakaway pa at minsan pa'y nagpaflying kiss pa ako.

Hindi niyo ako masisisi dahil pangarap ko 'to!

PANGARAP MO 'TO, MIAH.

"Hello, Papa? Yeah... We're here. A minute? sure po. I am with a crazy woman at ang ingay niya.... yes po. Bye."

Capturing Rame Onde histórias criam vida. Descubra agora