CHAPTER 1: Miah

286 50 15
                                    

Disclamer: Hindi po pa ito edited kaya kung makaka-encounter kayo ng typo at grammatical errors ay pasensiya na po. Hikhok.


"FOR THE LAST POSE PO! WACKY NAMAN MADAM!" halos mahalit ang lalamunan ko kakasigaw sa dalawang matandang nagpapakuha ng litrato.

"OKAY! WOW PERFECT!" sigaw kong muli. Dahil kung hindi ako sisigaw ay baka abutin kami rito ng siyam-siyam. Matanda na kasi ang dalawang matandang parehong may diperensiya na rin sa pandinig.

"And it's a wrap, guys!"

Nagsigawan agad ang mga tao akala mo'y nanunuod ng sabong.

Lumapit naman sa akin ang dalawa kong kaibigan para ayusin ang naka set up na gamit

"Salamat talaga sa pagsama, ah." buong puso kong sabi.

"Wala 'yun, ano ba naman 'yung magpagraham balls ka kahit gagang-kulangot." ambaboy talaga ng bunganga ng baklang 'to. "at black gulaman na sing pait ng kape." inirapan ko siya.

"Minsan iniisip ko kung bakit binigyan ka pa ni Lord ng bibig e kabalahuraan lang din naman lumalabas diyan. Tapos minsan hindi ka pa nagtotoothbrush!" inirapan niya rin ako pabalik. Dont me Peej! Don't me!

"Atleast, mas maganda ako sa'yo!" and then He left, yeah, He's gay. Peej is gay and will never be a man, again. Sayang nga e kasi may itsura naman siya kaso nga lang kulay pink ang pagkatao.

Nagpapasalamat na rin ako kasi kung straight man siya ay wala siya sa buhay ko ngayon o kung straight man siya ay baka nalandi ko na siya at boyfriend ko na ngayon. Chur. Wala naman kaso sa akin kung ano anong kasarian meron siya. Tinanggap ko nga siya e kahit dati siyang tikbalang.

"Dominique, magkano___" bigla namang lumapit ang isa ko pang kaibigan. Si Airelle, pinaka matino sa aming lahat. Kumpleto ata sa bakuna.

"Miah, Relle, MI-YA." pagtatama ko sa kaniya. "M-I-A-H, okay? Hindi Dominique."

"Okay, M-I-A-H, magkano kaya ibibigay sa'yo nila Mrs Chavez? no?"

"Hindi ko alam. Ang sabi ko kasi sila na bahala." mahina kong sabi.

"Ano? Anak ng kabayo ka talaga, Domi_yah!"

"Paano kung dalawang piso lang ibigay nila sa'yo? Nakakainis ka talaga!"

"Hindi naman siguro, Airelle." sabi ko habang inaayos ang gamit at inilalagay sa bag.

Isa kasi akong self-proclaimed photographer na rumaraket-raket lang kung saan-saan. Sa mga school kapag may mga pageants para sa photoshoots, sa pang lagay sa yearbooks, sa graduation pictures, sa mga kasal kapag hindi kaya ng pamilya ang mga mamahaling photographers, sa binyag, birthday, sa patay at mga low-budget photoshoots lang.

Wala akong fix na bayad na sinisingil sa bawat shoots na ginagawa ko. Kumbaga, tamang 'kayo na pong bahala mam', 'kayo na pong bahala sir' ang paraan ng pagbabayad sa akin. Minsan malaki ang binabayad pero ang pinakamababa na ay hindi naman lumalampas sa limang libo. Minsan nga binibigyan lang akong biscuit at zesto.

Photography is my passion bata pa lang ako. I started with the flowering plants around the corner of our backyard. Chos. Pero seryoso, nag-umpisa ako sa pagkuha ng litrato sa mga halaman ni mama, sa mga bato, sa mga sasakyan, sa mga bagay sa paligid, sa dagat at sa pinakapaborito kong ulap na puti na ang nagsisilbing background ay ang asul na kalangitan. Sarap sa mata at nakakapagpakalma sa puso ko. Pero hindi ko gaanong kagusto ang night sky dahil nag-umpisa lang naman ako noon gamit ang cellphone at lumang camera ng tito ko kaya naman kapag buwan ang kukunan ko ay nagmumukhang ilaw lang sa poste kaya hindi ko na pinilit.

Capturing Rame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon