CHAPTER 7: Rules

80 31 0
                                    

Nang makalabas na ako sa bahay ay agad din akong sumakay sa jeep at pumunta sa SM. Pagkarating ko roon ay hinanap agad ng mata ko si Relle na nasa tapat daw ng NBS. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita ko na siyang kumakaway kaya nilapitan ko siya.

"Relle, how do I look? Do I look fancy?" maarti kong sabi. I am wearing a Mom jeans and an over-size cream long sleeve polo. Nakatucked in ang tela sa harapan sa aking jeans kaya kahit papaano ay humulma ang hugis ng aking katawan. I matched my outfit with a white sneackers and a brown shoulder bag. I left my hair untied dahil maganda naman ang buhok ko na medyo kulot ang dulo na may iilan-ilang lisa. Perfect! Chos

"Ano bang sabi sa iyon ni Clan, Ano ba raw suot niya?"

Kanina pa kami paikut-ikot sa loob ng Uncle Joe's pero hindi pa rin namin makita si Clan.

"Nakawhite dress daw siya, shoulder length na buhok at may suot na headband na white."

"Batang bata yang customer mo, Miah. Sure bang may pangbayad 'yan?"

"Kaya nga makikipagmeet tayo ngayon, e. Kapag hindi siya tumupad sa usapan ay ipapagulpi ko siya kay Ka Badong."

"Dito ako magtitingin sa kaliwa, diyan ka sa kanan."

Nilibot ko ang aking paningin. Sobrang lawak naman kasi ng restaurant na ito at medyo marami rin ang tao.

"Miah, I think siya na yun." turo niya sa babaeng palinga-linga rin sa paligid na nakatalikod sa gawi namin.

"Diba siya yung nasalubong natin kanina? Nakajacket siya na red kaya hindi siguro hindi natin namukhaan." she added.

"Oo nga 'no. Sinabi ko naman ang suot ko ngayon, ah. Tara nga lapitan natin." humakbang na kami papalapit sa kaniya.

"Ms Clan?" Tumingin siya sa amin na parang nagtataka. Nakakunot ang kaniyang nuo na tila nag-iisip.

Ako 'to si Kathryn Bernardo.

"Do I know you po?" puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. Napatingin naman ako kay Relle at nakatingin din siya sa akin. Nagtataka. Nalilito.

"Um, Ako yung sa Capturarte." Hindi nakatakas sa aking paningin ang paghugis 'O' ng kaniyang bibig. "I'm Nehemiah Dominique." sabay abot ng kamay sa kaniya para makipag shake hands.

"Wait a minute. Babae ka?"

Ganun na lamang ang pagtataka ko dahil sa tanong niyang iyon. Kung kanino ang nuo niya ang nakakunot ngayon ay parehas na kaming dalawa.

"Huh?" tanging salitang lumabas sa labi ko.

"Shit." mura ng mayayaman, Chos. Napasandal siya sa upuan at nakatingin lang sa bandang harapan niya. "I thought you were a boy because your name is Dominique."

Shoot.

"And also, it is only your eyes on the direct photo so I assumed you were a boy." manghang-manghang sabi niya.

Akala niya ay lalaki ako?

"Have a seat, ate?"

"Miah na lang." sabi ko.

Umupo naman kami ni Relle habang siya ay nakatitig lang sa akin at sinusuri siguro ang aking mukha.

"Anong gusto niyo ate Miah?"

Capturing Rame Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ