CHAPTER 8: Elisabeth and Ramon

69 27 0
                                    

Kinagabihan

Halos magmula noong nakauwi na ako sa bahay ay nagtatawagan kami ni Relle. Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat. Kung paano bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagtinging iginawad sa akin ni Rame. Makalaglag panty talaga isama mo na 'yung shorts.

Ang gwapo niya kasi at halata mong mabait din naman dahil sa paraan ng pakikipag-usap niya. Lahat ng lumalabas sa bibis niya ay may sense at tatatak sa utak mo. Halatang napalaki ng ayus ng magulang at binuhusan ng luho ng pagmamahal. Pero malimit nga lang siyang ngumiti.

Gusto ko tuloy maranasang maging tatay siya ng magiging anak ko. Chos.

Hindi ito ang first time na magkakacrush ako sa isang tao sa unang pagkikita pa lang namin. Noon pa man ay ganito ang naramdaman ko noon kay Dj na halos araw-araw ay pinapangarap kong maging si Kathryn Bernardo pero hindi nangyari. At ngayon alam ko na ang dahilan. Inihahanda ako ni Lord para kay Rame.

Lord! Handang handa na po ako!

Balak kong sabihin kina mama at ang tungkol sa bagay na ito mamaya habang kumakain ng hapunan. Medyo nag-aalinlangan ako dahil baka hindi nila ako payagan.

"Ate Miah, bumaba ka na raw kung ayaw mong masapok pa ni mama."

"Oo, bababa na!" padabog akong bumaba sa kama at sinundan si Kahel sa baba. Nadatnan ko naman silang lahat na nasa hapag at hindi pa rin ginagalaw ang pagkain.

"Anong bagal mong kumilos! Masamang pinaghihintay ang pagkain, Miah!" sigaw ni mama.

"Paumanhin seniora, sapagkat hindi ko po narinig ang inyong pagtawag." pagbibiro ko. "Patawarin niyo po ako at huwag ipalapa sa mga liyon! ARAY!"

"Kumain na!" Nakahampas na agad si mama, e.

Sumandok na ako ng kanin at ulam sa plato dahil baka sabaw nanaman at ulo ng manok ang matira sa akin.

"Ma, tatay, nga po pala." sabi ko kahit may laman ang aking bibig. "May natanggap po akong offer papuntang Bar..ARAY!"

"May laman pa 'yang bibig mo ay dumadaldal ka pa!" Mabilisan ko namang nilunok ang kanin sa bibig ko at uminom ng tubig.

"Okay na. Ang sinasabi ko ho ay kanina pa ay tungkol sa pagpunta ko sa Barcelona."

Natigilan silang lahat sa pagkain. Nakatingin lang sila sa akin habang nakabukas ang bibig.

"Tingnan mo nga kung nilalagnat 'yang kapatid mo, Kahel."

Nilapat ni Kahel ang kamay sa aking nuo at leeg.

"Hindi naman, ma."

"Hindi ho ako nagbibiro. Totoo nga po!" Bakit ayaw nilang maniwala?

"Paanong nangyaring.....?"

"May naghire po sa akin na photographer at isasama niya ako sa Barcelona." maikli kong sabi.

"Sino naman? Saan nakatira? Babae ba? Lalaki? Mayaman? Bakit daw? Bakit ikaw? Bakit ang layo? Ilang araw?"

Napairap na lang ako nang wala sa oras.

"Mom, can you please stop. ARAY!"

"Let me speak, guys! C'mon! It's just me!" maarti kong sabi habang nagalaw-galaw pa ang balikat at nakataas ang dalawang kamay. "Sino? Si Rame. Saan nakatira? Hindi ko po alam. Babae? Hindi. Lalaki? Oo. Mayaman? Hmm sobra. Bakit daw? Ewan. Bakit ako? Dahil magaling ako? Bakit malayo? San ho ba kayo nakakita ng nagtatanang sa kabilang bayan lang pupunta? Ilang araw? araw-araw. ARAY!"

Capturing Rame Where stories live. Discover now