CHAPTER 12: Gaudi Tour

61 21 0
                                    

Nang makauwi kami kinahapunan ay naging nakakabingi ang labis na katahimikan. Walang umiimik sa aming dalawa though hindi naman talaga siya pala imik. Pagkarating namin sa bahay ay dumaretso siya sa kwarto niya at kinuha ang laptop saka nagtipa roon ng kung anu-anong hindi ko maintindihan.

Nakita ko ang pagdukot niya ng cellphone mula sa kaniyang pantalon at lumayo muna sa akin bago sagutin ang tawag. Sumilip naman ako sa laptop niya at nakita kong nag-u-upload na pala siya ng pictures niya sa Instagram.

Kinaumagahan, tinanghali kami parehas sa paggising at ako pa ang sinisi niya dahil hindi ko raw siya ginising 'e halos sabay lang kaming lumabas sa pinto at parehas na nagkukusot ng mata.

Nagkape lang kami at nagtinapay bago nagpasyang lumabas. Hindi ko siya pinapansin at siya rin hindi rin namamansin. Ganito ba 'yung sinasabi nilang cold kayo sa isa't isa? tapos magbebreak na kapag hindi bumalik ang init? Chos

"Hello, pa?" Kausap ni Rame ang papa Rigs niya sa telepono habang ako'y nakasunod lang sa kaniya sa paglalakad. "Yeah, opo mamayang lunch."

Busy naman ako sa pagdutdo sa cellphone ko dahil kausap ko si Relle at Peej sa groupchat namin.

From: Pugo
Girl kapag kau lang dalawa sa iisang lugar sunggaban mo na agad! Hina mo naman!

From: Pugo
Isuot mo yung pinadala ko sayong lingerie!
REMEMBER! Mag-ahit muna bago mang-akit!

From: Nehemiah

Ano ako pakarat?

From: Relle
Siyang tunay! HAHAHA


"OUCH!"

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko dahil sa lakas ng pagkakauntog ko sa poste na nasa harapan. Halos magdilim ang paningin ko dahil sa lakas niyon.

"Hey! What happen?" Lumapit sa akin si Rame at pilit na inaangat ang ulo ko gamit ang kamay niyang nakahawak sa aking baba. "Are you okay?"

"Sakit namputek." Mariin ang pagkakapikit ko sa aking mata at feeling ko'y nakadikit pa rin ang nuo ko sa poste.

Inalis bigla ni Rame ang pagkakahawak ko sa aking nuo at ikinawit ang buhok ko sa aking magkabilang tainga. "Hindi ka kasi nag-iingat. Tsk tsk." mahina niya sabi.

"Nahihilo ka ba? What are you feeling right now?"

I'm feeling something in my heart again, like before. A feeling that I am trying to ignore.

"'Wag mo akong intindihin at okay lang ako." pinilit kong tumawa at ikalma ang sarili pero lalo akong nanghina ng hawakan nanaman niya ako sa magkabilang siko at alalayan sa paglalakad. Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil iyon na lang ang kaya kong gawin.

Umupo kami sa malapit na bench. Tahimik lang ako habang hawak lang niya ang aking mukha at nakatitig sa nuo kong may bukol.

"Ang laki, Miah." Hindi nakatakas sa akin ang mga ngiti niyang iyon. Kung nasa normal state ang tibok ng puso ko ay baka nabiro ko na siya pero parang may hinahabol ang puso ko ngayon. Ayaw tumigil sa mabilis na pagtibok.

Kinapa ko ang aking nuo. "Malaki nga, jusmiyo!"

"Wear my cap para comfortable ka." Siya na mismo ang nagsuot sa aking ng kaniyang sobrelo. Naamoy ko nanaman ang pabango niya ng lumapit siya sa akin at ini-adjust ang cap para magkasiya sa ulo ko.

"Sa..salamat."

Lunchtime, sa restaurant daw kami ni Tita Rigs kakain kaya nilakad lang namin mula sa Sagrada ang restaurant ni Tito Rigs. Kahit gaano kalayo pa ang lakarin mo ay hindi ka talaga mapapagod dahil sa ganda ng tanawin sa kaliwa't kanan o kung saan ka man nakatingin.

Capturing Rame Место, где живут истории. Откройте их для себя