Plane ticket to Barcelona, Spain
Cheapest plane ticket going to Barcelona, Spain
Libreng tour sa Barcelona
Paano makapunta sa Barcelona nang walang bayad?
Where to find an Spanish husband?
How to bake an spanish bread?
How to bake spanish bread without an oven?
"Tsk, ano ba 'yan!" binura ko agad ang itinipa kong tanong sa google search at humiga na lang muli.
Narito ako ngayon sa kwarto ko habang nagsu-surf sa internet. Dahil bakasyon na ngayon ay wala rin naman akong gagawin kundi humilata sa kama. Nagdesisyon na akong humanap ng paraan para mas mapabilis ang pagpunta ko sa Barcelona.
Noong nakaraang burol malaki-laki ang nakuha kong pera dahil mayaman nga ang pamilya nang namatay. Di ko nga inakalang sampung libo ang ibibigay nila sa akin kaya sobra ang pasasalamat ko. Sabi ko pa kapag may namatay ulit ay ako na lang din ang kunin. Sinamaan lang nila ako ng tingin hindi ko naman alam kung bakit.
"23,425 plus 8,000 is equals to 31,425." I smiled because of too much joy sa puso ko. Kunti na lang ay pwede na akong bumili ng ticket. Kunti na lang talaga at nararamdaman ko na.
"Unting push pa, Miah, unti na lang. BWAHAHAHA."
Tatayo na sana ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.
From: Pugo
Dominique, pumunta ka rito ngayon sa bahay nina Relle at may pag-uusapan tayo! Bilisan mo ha!
Nagtaka naman ako dahil sa mga ganitong panahon ay hindi kalimitang nagmemessage sa akin. Lalo na 'yang si Peej dahil laging nasa basketball court at nagwawalis doon kahit wala namang kalat. Sinasakto niya lang talaga kapag may naglalaro.
To: Pugo
May meryenda?
From: Pugo
VIP ka?
Napairap na lang ako sa hangin at nagbihis na lang ng damit dahil gusto ko rin namang gumala sa labas. Nagpaalam na ako kay mama at pinayagan naman ako huwag lang daw gabihin sa pag-uwi. Pagkarating ko sa gate ng bahay nila ay naggate bell ako at lumabas naman agad si Peej.
"Sir, may yelo kayo? Pagbilhan nga isa."
"Bakit ang tagal mo? Sabi ko magmadali ka!" Hindi niya manlang pinansin ang biro ko kaya nginibitan ko siya at nauna nang pumasok sa loob.
"Uy! Miah! Umupo ka na, dali!"
"Bakit? Anong meron?" Umupo ako sa silya malapit sa juice at pizza. Kumuha akong isang slice at uminom ng juice.
"May nakita kasi kaming app sa internet." sabi niya habang kinakalikot ang laptop. Nakita ko naman ang pag-upo ni Peej sa tapat ko at nakatingin lang sa hawak ko pagkain. Binigyan ko siya ng bakit-ka-nakatingin look habang nakataas ang kilay.
"Anong app? Rated x? Porn?"
"Napakabalahura talaga ng utak mo! Dominique!"
"OA mo, Peej! Parang hindi ka pumupunta noon sa bahay namin tuwing gabi para magpapasa, ah!"
"Oh, ano naman sa'yo?" mataray niyang sabi at nakawak pa sa baewang ang dalawang kamay.
"Nye! Nye!" Gawain ng bata kapag wala nang pang-asar sa kalaro.
YOU ARE READING
Capturing Rame
General FictionNehemiah Dominique didn't expect na ang isang 'Domique, someone wants to hire you.' notification ay ang tutupad sa pangarap niyang makarating sa Barcelona. Sabi nga, expect the unexpected. At hindi nga niya ini-expect na sa pag-accept ng offer na iy...