CHAPTER 20: Carrer de la Unìo

42 13 0
                                    

"Domo!"

Maaga akong nagising kinabukasan dahil may lakad kaming APAT. Ayaw ko namang maging thirdwheel sa dalawang kurimaw kaya napagdesisyunan kong kay Ramiro na lang sumabay. Speaking of Ramiro, nasa harapan ko na siya ngayon at kumakaway.

Mukha kang unggoy sa ginagawa mong iyan, Ramiro.

"Domo, sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis, e." mayabang niyang sabi. Nginibitan ko lang siya at saka ko isinakbit ang bag sa balikat niya. "Magdamag lang tayong hindi nagkita ganito mo na ako agad kamiss?"

"Pwede ba, Ramiro, saan mo ba nakukutkot 'yang lakas ng loob mo?" Patuloy pa rin ako sa paglalakad at kusang sumakay sa sasakyan niya. "Tsaka, tigilan mo na ang katatawag sa akin ng Domo. Okay?"

"So, you prefer me calling you Darling, then?" Nginibitan ko lang siya at saka ipinasak ang headset sa ilong. Char

"Ohhh, now I get it." sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana. Naroon sina Rame at Aleesa kaya napairap na lang ako at padabog na inayos ang pagkakaupo.

"If you don't like what you saw just close your eyes and think of a happy moments."

Sinunod ko ang utos niya pero mas lalong lumalala dahil ang tanging nakikita ko ay ang mukha ni Rame habang nakangiti. Napailing ako at nanatili na lang mulat habang nakikinig ng music mula sa headset.

"You liked him, Miah."

Bigla na lang siyang nagsalita.

"Liked, past tense," dagdag pa niya, "kasi you love him now." Nilingon ko siya at nakitang tila sigurado siya sa sinasabi niya. "At ako, I like you Miah," naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan niya at paglingon niya sa gawi ko. "I really do, but I will never force you to choose me over him. Hahayaan kita sa kaniya kahit alam kong wala akong karapatang pigilan ka sa kahit o ano man 'yang nararamdaman mo."

"Pero kapag napagod ka na, okay lang sa akin na sa akin ka naman magpahinga," he looked at me and forced a smile. "As long as I can be part of your life kahit pang ending point mo na lang kapag pagod ka na."

Ramiro...

"Don't frown, Domo. Hindi bagay sa'yo! Sinasabi ko lang 'to sa'yo kasi I know you needed this before and I am gladly want to offer myself to you as a support system." Hindi ko napigilang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya. "Gusto mo, gumawa pa akong pompoms, e."

"Miro," I never knew he has this side of him. "'Lika nga rito." Hinila ko ang braso niya saka ko siya niyakap habang tina-tap ang likod niya. "Thank you, ah, at dahil diyan pwede mo na akong tawaging Domo hangga't gusto mo." biro ko pa sa kaniya.

We walked out of the car while laughing. At least, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. I have Ramiro with me. I have a support system with me.






Welcome to Carrer de la Unìo 14, Barcelona, Spain.

And we're back at Carrer de la Unìo dahil ediya ito ni Aleesa. She wanted to try daw the rent a bike service ng Mattia. Napapairap ka na lang talaga dahil sa kaartihan niya.

"Babe, let's ride that one." turo niya sa tandem bike na nasa gilid ng pathway. Kunting yuko pa ay makikita na ng buong Spain ang dibdib niya dahil sa suot niyang croptop.

Ano bang nagustuhan ni Rame dito bukod sa maganda siya at malaki ang s*so?

"Hassle 'yan, babe." ani Rame.

Napairap ako sa isiping may deal nga pala kaming dalawa na mukhang hindi na matutuloy dahil sa pagdatinf ni Aleesa. The last time I checked ay nasa 1M na ang reacts sa photo niya sa instagram. Hindi naman na ako nagdemand ng bayad sa deal dahil, tsk, nevermind.

Capturing Rame Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang