CHAPTER 30: Wake up

59 8 0
                                    

"Miah, bakit ang tahimik mo?"

Imbis na sagutin ang tanong ni Tito Rigs ay nanatili akong walang kibo. Inayos ko ang pagkakabalot ng bandana sa likod ko saka ko niyakap ang sarili. Nanatili ang aking mata sa pagmamasid ng kabuuan ng La Rambla, sa kabuuan ang pinangarap kong bansa.

Dalawang araw na ang nakakalipas nang mangyari ang insidenteng iyon. Dalawang araw na pero 'yong pasa at sakit sa katawan ko ay narito pa rin.

"Good morning Ladies and Gentlemen, May I have your attention please passengers traveling to Philippine Airlanes SA 247 to Philippines are requested to get their baggage screened and proceed towards the Check-In Counter. Thank you."

"Miah, ready ka na?" Tumango ako.

Sinakbit ko ang bagpack sa likod ko saka inayos ang sarili bago tumayo. At sa huling pagkakataon muli akong sumilip sa likod ko. Muli kong sinilid ang lugar kung saan sinubok ang kakayahan ko bilang tao, kakayahan kong magmahal at masaktan.

Salamat, Barcelona. Pinasaya mo ako pero... hindi na ako babalik sa'yo. Hindi na kita babalikan.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ko ibinalik ang tingin sa loob ng airport.

Nakakapagod ang naging biyahe sa pag-abot ko sa pangarap kong bansa. Dinala ako ng biyaheng ito sa totoong biyahe ng buhay kung saan naging sobrang masaya ako, naging sobrang malungkot ako, naging sobrang sakit, at naging sobrang fulfilling. Para akong dinala sa huling pagkakataong pwedeng ikasaya ko.

Para naman akong bibitayin nito 'e.

Nitong mga nakaraang araw palaging sumasakit ang ulo ko. Hindi ko maipaliwanag 'yong sakit na parang gusto kong buksan ang ulo ko at tingnan kung ano bang meron doon. Hindi lilipas ang araw na hindi ako masusuka. Palagi akong inaantok. Baka buntis ako? Nah, virgin pa 'ko.

"Domo, namumutla ka," si Ramiro. Sasama siya sa pag-uwi sa Pilipinas dahil gusto rin niyang huminga muna. Namalmaan din kasi siya ng bugbog at nakatamo rin siya ng hindi naman kalalalaang aksak sa balikat dahil sa insidente.

"Ayus lang ako," mahina kong sabi dahil naramdaman ko nanaman ang kirot at pagkahilo sa ulo ko.

Nauna na akong naupo sa may bintana. Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil sa kirot. Nagbabaka sakaling mawala ang sakit. Bumilang ako ng sampo habang nag-inhale-exhale. Nang maramdaman kong mababawasan na ang sakit ay saka ko muling binuksan ang aking mata.

Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Ramiro sa tabi ko. Hinawakan niya ang aking balikat na naging sanhi ng agarang paglingon ko sa kaniya. Sinalubong ng mata ko ang ngiti niya at nagpapasalamat ako dahil ginawa niya iyon. Pinapakalma ng mga tao sa paligid ko ang sitwasyon.

"Magiging okay si Rame," mahinahon niyang sabi.

Ang nananahimik na silakbo ng damdamin sa puso ko ay muli nanamang nabuhay. Ang kaninang kalmang paghinga ay napalitan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Nangilid ang aking luha. Kumibot ang aking labi. Tumaas at bumaba ang aking balikat dahil sa paghahabol ng hininga.

Si Rame hindi pa rin siya nakakausap at tanging pagtulala lang ang ginagawa niya. Naiwan siya sa Barcelona dahil hindi pa rin niya kayang bumyahe ngayon.

"Akala ko," paos ang boses kong sabi. Nahihirapan ako sa pagbuka ng aking bibig. Masakit ang lahat sa akin. "Akala ko, makakasama ko siya sa pag-uwi." Kinuha ko ang kamay ni Ramiro at doon umasang may lakas na makukuha. "Akala ko..." Hagulhol at hikbi ang nagpatuloy sa mga bagay na hindi ko maisatinig. Wala akong pakealam sa mga nakakakita sa akin. "Ramiro..."

Capturing Rame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon