CHAPTER 16: Casa Batllò

52 17 0
                                    

"Sorry sa kanina."

Hindi ako makagalaw ng ayus dahil baka malaglag ako o kung anong magawa ko. Nakahiga kami sa iisang kama pero may pagitan naman sa gitna. Tiyak na kapag nalaman ito ng mama at tatay, kalbo ang abot ko.

"Okay lang 'yun," mahina kong sagot.

Pareho lang kaming nakatingin sa kisame. Mababaliw na ako kakaisip kung bakit ako narito. Bakit ako pumayag? Namayani ang malandi kong side noong nakita ko ang maamo niyang mukha habang sinasabi ang katagang 'Let's sleep together.' niya.

"'Wag ka na lang mahihiya o maiilang sa akin." pabiro kong sabi. Narinig ko naman ang pagtawa niya.

Hindi ko siya nilingon pero imbis ay binuksan ko ang aking tainga at sinaulo ang paraan ng pagtawang iyon dahil baka matagalan na ulit bago ko uli 'yun marinig o baka hindi na kailanman.

Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa kama.

"You sleep here," turo niya sa kama. "Doon ako sa couch. I know you're not comfortable with this." At tuluyan na siyang tumayo dala ang unan at isa pang kumot.

Bumaling ako sa kabilang part ng kama kung saan hindi ko siya makikita. Napahawak ako sa puso ko na ubod ng lakas ang tibok. Parang gusto na niyang lumabas mula sa katawan ko.


Kinaumagahan, nagising akong wala na siya sa couch. Nakatupi na rin ang kumot niyang ginamit at maayus ang pagkakasalansan sa lamesa.

I'm still here at Rame's room. Wala lang. Feeling housewife habang pinagtitimpla ng kape habang ang asawa ay nakaharap sa kaniyang laptop.

Nang matapos ko ang pagtitimpla ng kape ay dinaluhan ko na siya sa sofa.

Act normal, Miah.

"Ano 'yan? Mag-u-upload ka na?" I saw his Instagram on the monitor at talagang umaapaw ang mga taong humahanga sa kaniya. Hindi bumababa sa 500k likes ang mga pictures niya.

"WOW." Napatingin siya sa akin tila nagtatanong kung bakit ganun na lamang ang naging reaction ko.

"Bakit?"

"Dukit." Inasahan ko na talaga ang tingin niyang "Eh?" lang ang mababasa and that never failed on making me laugh.

"Lupit mo! Dami mong fans. Paauthograph naman Lodi!" sabi ko pa habang nakathums up ang dalawang kamay. Wala pa rin. "Kung ayaw mo, kiss na lang."

Umiling siya at tumalikod sa gawi ko. Attitude. Pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagnanakaw ng sulyap sa kaniyang mukha at sa monitor ng laptop niya.

If he would accuse me as a thief I will never hesitate to be imprisoned on his heart.

"Alam mo, napansin ko lang, ah. Lagi kang nakapoker face at fierce sa photos mo." Bigla naman siyang lumingon sa akin kaya naman halos magkalapit na ang aming mukha. Ako, bilang isang babaeng Maria Clara, ako na ang naglayo sa aking sarili mula sa tukso.

"People told me I'm better off that way." sinabi niya iyan habang nakatingin sa akin, sa aking mata, sa mukha ko. What made my heart overreact is when he looked at me with a dark aura, with his deep black eyes.

"Ikaw ba? Para sa'yo saan ka, sabihin na lang natin na, hot o gwapo tingnan?" tanong ko.

"Kapag nakahubad." OHH. Pinaningkitan pa niya ako ng mata.

"Pursue ko 'yan next time. Nude and Naked Photography tapos ikaw ang subject." sabi ko. "Maputi pa singit mo?"

"What the fuck, Miah!"

Capturing Rame Where stories live. Discover now